Chapter 94: Sacrifice
Mylze's Point of View
"[Did you eat your lunch? I cooked it for you.]" This is the voice of my beloved man.
Dahil super busy ako kanina habang kausap ang client at ang engineer for a new project, hindi ko siya na-meet kaya ang ginawa ng sweet kong boyfriend, iniwan sa desk ko ang paper bag na may lamang pagkain para sa lunch. With a sticky note pa na may nakasulat na,
"Eat this. I'm a suicidal but I have no plans to poison the one I love. I'll pick you up later just text or call me. Love you :)."
"Yeah. Nakain ko na. Ang sarap mo pala magluto."
He chuckled. "[Anong oras ka ba uuwi? I miss you already.]"
Dinaan ko nalang sa pagtawa ang kilig. Super tagal na nung huli kong naramdaman ang ganito. Pero mas kakaiba ngayon. Mas kinikilig ako sa pagmamahal niya sa akin.
"Mga 4 PM uuwi na siguro ako."
"[Siguro?]" Parang ramdam ko na nakasimangot siya. "[Hindi ka pa sure? Love naman.]"
Sumandal ako sa swivel chair dahil nanghihina ako sa pagmamaktol niya. "Masyado mo naman akong na-mi-miss. Punta ka na dito ng maaga sa 4 kung gusto mo. Hindi ako aalis sa office ko."
"[Okay. I will. I love you my cupcake.]" He's still not finished with his sweetness.
Simula nang tumawag siya, hindi pa nawawala ang ngiti ko sa mga labi. "Mmm. I love you more. I'll wait for you."
Tapos na ang tawag pero ang ngiti ko ay abot tainga pa rin. Ang sarap sa feeling kapag may nagmamahal sa akin ng ganito. I feel so special.
Just a few minutes after I placed the phone on the table, it opened on its own because of a message. I picked it up again to read it.
From: Unknown number
'Hello, good afternoon ma'am. This is a delivery for you from Ms. Yueina Jillegas. I can't enter the building ma'am, I'm sorry. Please meet me here at the parking basement. Thank you.'
Agad na nagsalubong ang kilay ko matapos ng nabasa. Delivery? Galing kay Yuna?
I tried to call her but the call just kept ringing. Dahil naghihintay sa akin ang delivery sa baba, hindi ko na hinintay pang sagutin niya ang tawag para sana itanong kung totoong sa kanya iyon galing. Mamaya ko nalang tatawagan baka busy.
Bumaba ako at mag-isang nagtungo sa parking basement. Pagkarating ko, wala naman akong nakita ni isang tao kaya naman kinuha kong muli ang cellphone sa bulsa upang i-text ang delivery para itanong kung nasaan siyang parte but before I could send it, something unexpected happened.
Someone covered my nose causing me to lose consciousness.
I OPENED MY EYES. Blurred ang paningin ko pero kalaunan ay luminaw rin. Una kong nakita ang silid na kinaroroonan ko. This is not a familiar place to me. Magtataka pa sana ako kung ano ang ginagawa ko dito nang maalala ang nangyari kanina. Someone knocked me unconscious with some kind of cloth with some kind of chemical on it sa parking basement kanina.
Don't tell me...everything from that delivery was just a trap?
Handa na sana akong magwala pero mabilis na natigilan nang mapagtanto ang kalagayan. Nakatali ako sa isang upuan habang may busal ang bibig. Nakaupo ako sa gitna ng isang silid na tanging abo ang kulay. Kita ko rin ang labas mula sa maliit na bintana. Gabi na.
Who the fuck is that person behind this stupid abduction?!
"Salamat. Nagising ka rin."
BINABASA MO ANG
Tale of Coast (Season 2)
RomanceEverything is not yet over. Everything will go back to the way it was before but in a different pathway. This is the beginning of a new beginning. With unsolved case. REMINDER: Please read season 1 first before this.