Chapter 60: New plan
Yuna's Point of View
Bumuntong hininga ako habang kinakamot ang ulo dahil dito kay Yvonne. Kanina pang umiiyak ayaw naman sabihin kung bakit. Tanging kami lang tatlo nina Yvonne at Jasmine ang nandito sa living room mga busy kasi ang iba pero pareho kaming walang alam sa nangyayari sa kanya.
"Ano ba ang nangyayari sa 'yo Yvonne?" Tanong ko ulit. Kanina ko pa itong tinatanong sa kanya pansampung tanong ko na ata ito.
"Oo nga. Handa ka naman naming tulungan sa problema mo kaya magsabi ka sa amin. Walang mangyayari dito kung iiyak ka lang nang iiyak."
Pinunasan niya ang mukha habang umiiyak pa rin. "Nakakainis eh. May competitor ako sa business na nakakabwisit. Sinasadyang inisin ang buhay ko. Gusto kong umuwi sa amin kaso hindi ko magawa dahil n'ya."
Humagulgol na naman siya habang kaming dalawa ay nagkatinginan. Nagkibit balikat ako dahil hindi ko alam kung paano s'ya matutulungan.
"Ano ba iyang competitor mo? Babae o lalaki?" Tanong ni Jasmine.
"Lalaki."
"Pogi ba? Reto mo na sa akin."
Bagsak ang expresyong tumingin ako kay Jasmine. "Gaga. Puro ka pogi."
"Haha. Sorry na joke lang naman."
"Patulong ka nalang kay Bryan. Kayo lang naman ang negosyante sa ating pito." Suggestion ko sa kanya.
Magaling talagang mag-handle ng business si Bryan kaya ni isang beses, hindi siya nagbanggit sa amin ng problema sa trabaho.
Hinaplos ko ang kanyang likod. "Tahan na. Matatalo mo rin ang kalaban mo---"
"Yuna."
Napatingin ako sa tumawag sa akin na si Syme. Kararating lang.
"Oh, Syme. Saan ka galing?"
"May dinaanan lang. Anyway, can I talk to you? In private?"
Ngumiti ako at tumango. "Sure." Tumayo ako at nagpaalam muna sa dalawa. "Maiwan ko muna kayo."
Umunang naglakad si Syme habang ako ay sumunod hanggang tumigil kaming dalawa sa backyard.
"So...what are we going to talk about?"
He didn't answer. He just kept facing me seriously so I raised my two eyebrows and waited for him to say something pero ang inaakala kong sasagot s'ya ay hindi nangyari. He stepped even closer to me and gave me a hug. I literally couldn't move because of the shock. Hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako pero kalaunan ay nag-alala ako. Sa pakiramdam ko, hindi siya okay.
"Hey, Syme." Tawag ko.
Rather than responding, he hugged me tighter until I realized he was crying. This alarmed me so much that I hurried to get a better look at his face, and I was right.
He's crying.
"Syme, bakit?" I held his face and wiped away his tears. "May problema ba? Bakit ka umiiyak? Ubos na ba ang stock mo ng kape? Bibili ako ng bago."
Natawa ito sa sinabi ko kahit na lumuluha pa rin. "Masaya lang ako."
"Weh? Hindi nga? Bakit nga?"
Hinawakan n'ya ang dalawa kong kamay at binaba. "Humingi ng tawad sa akin ang mga magulang ko at sinabi nila na malaya na ako sa gusto kong gawin at sa gusto kong pakasalan. Susuportahan nila ako at ang babaeng pipiliin ko. Hindi mo alam kung gaano katagal kong hinintay na dumating ang araw na ito. Thank you, Yuna. Because of you, I'm finally free."
BINABASA MO ANG
Tale of Coast (Season 2)
RomansaEverything is not yet over. Everything will go back to the way it was before but in a different pathway. This is the beginning of a new beginning. With unsolved case. REMINDER: Please read season 1 first before this.