•Xi Luhan•"Ano bang ginagawa natin dito sa SM entertainment, Se?" Tanong ko. Kanina pa kasi niya ako niyayaya dito eh.
"Wala. Tinitignan ko lang. Thabi kathi nila ang dami daw idolth dito. Yung mga sikat na k-idolth."
"Alam ko. Alam ko. Bakit? Meron ka bang idol dito?"
"Oo. Yung EXO. Meron akong kamukha diyan tha grupo na 'yan eh. Mathki nga ikaw, merong kamukha. Ewan ko ba, haloth lahat tayong magkakaibigan may kamukha tha grupo na 'yan.."
"Hay nako, Se. Halika na. Wala naman tayong magagawa dito eh. Maglibot-libot na lang tayo sa buong Seoul."
Wala naman nagawa si Sehun kundi sumama sa'kin. Naglibot-libot na lang kaming dalawa. Hanggang sa meron kaming makita na bike.
"Omo, baby. May bike oh. Tara rent tayo. Para naman mabilith tayong makapag-libot.."
"Oh sige."
Nagsimula na naming i-irent ang dalawang bike. 24 hours daw namin 'tong pwedeng hiramin.
"Sa'n na tayo pupunta, baby?" Tanong ko.
"Kahit thaan na lang.."
Nagsimula kaming nag-bike. Kung sa'n-sa'n na rin kami nakakarating. Kahit ilang beses na akong nakapunta dito, hindi pa rin talaga nakakasawang ikutan 'to. Ang gaganda kasi talaga ng mga lugar dito eh.
"Baby, guthto ko kapag sa huling bakathyon na natin dito. Punta tayo tha jeju island. Guthto ko makita ang heart do'n sa gitna ng ithla."
Ngumiti naman ako. "Anything for you, baby. Sige. Pupuntahan natin 'yon.."
"Thank you baby. I love you tho tho muth." [I love you so so much]
"Mas mahal kita.."
In the end, habang nagba-bike kami magkahawak lang ang kamay naming dalawa. Masarap sa pakiramdam kapag taong mahal mo ang kasama mo sa lahat ng oras.
•3rd Person•
Ang magkasintahang Suho at Lay, hindi alam kung sa'n pupunta. Nalibot na ata nila ang buong Seoul pero wala pa rin silang mahagilap na destinasyon na pag-stay-an nila.
"Lay, sa'n mo ba balak pumunta?" Naiiritang tanong ni Suho.
"Ewan ko rin eh."
Kanina pa drive nang drive si Lay. Mabuti nga't full tank ito dahil baka kanina pa nawalan sila ng gas. Sa buong couple, sila lang talaga ang naka-kotse. Kasi ano pa bang aasahan mo kay Suho? Mayaman eh.
"Hay nako, Yixing. Itigil mo ang sasakyan."
"Ha? Nasa gitna tayo ngㅡay may naisip ako."
In the end, hindi na nagsalita si Suho. Basta, hinayaan niya muna si Lay na mag-drive.
After ilang oras, nakarating sila sa isang famous spot sa Seoul. Halos manlaki ang mata ni Suho dahil ito yung merong Romantice Bridge.
"Lay.." Sambit ni Suho habang nakatingin sa labas.
"Baba na diyan, baby. Tara at tahakin natin ang bridge na 'yan.." Natawa naman si Suho.
Nang ma-park ni Lay ang kotse, kinuha niya ang kamay ni Suho at kinulong niya 'to sa kanyang palad at nagsimula silang maglakad.
"Alam mo, ilang beses na akong nakapunta sa Korea pero ngayon ko lang napuntahan 'to.." Sabi ni Suho habang naglalakad sila ni Lay papunta sa Romantic Bridge.
"Naisip ko 'to simula pa no'ng nagplano ka na, na pupunta tayo dito. Sinearch ko talaga 'to sa internet. Hinanap ko ang pinakamagandang spot dito sa Seoul para naman maging masaya ka.." Tumingin naman si Lay kay Suho at ngumiti. "At hindi ako nagkamali, masaya ka nga.."
BINABASA MO ANG
Moonlight (Kaisoo Fanfiction)
FanfictionKiss me under the moonlight. [boyxboy story] @-deerqueen