---
"I don't think that's a good idea, Kyungsoo."
"Pero, Kuya. Meron po siyang kakayahan na maglaro nang basketball."
Nandito ako sa office ni Kuya. Kinukumbinse ko siya na isali si Jongin sa team nila Luhan. Pero ito, ayaw niya pa ata.
"Delikado, Kyungsoo. Baka mamaya may mangyari pang masama sakanya."
"Kuya naman. Nando'n naman ako, si Baekhyun. Dalawa kaming poprotekta sakanya."
"At sa tingin mo ba, sapat na kayong dalawa para protektahan siya? Wolf ang kaibiga niyo, Kyungsoo. Once na nagalit 'yon, hindi na niya mako-control ang sarili niya. Kahit sino na lang, sasaktan niya....maski ikaw." Nabigla naman ako do'n. Oo nga, once na nagalit ang isang wolf. Kahit anong gawin mo, sasaktan at sasaktan ka niya. Bigla akong nakaramdam nang takot.
Napatingin ako kay Kuya na nakatingin sa'kin. "Kyungsoo, naiintindihan kita. Pero delikado talaga." Tinap naman niya ang balikat ko.
Dahil ikaw ang pampakalma ko.
Naalala ko ang sinabi sa'kin ni Jongin. Kailangan ko lang daw tumabi parati sakanya, nang sa gano'n, eh ma-control niya ang sarili niya.
"Kuya, hindi ako aalis sa tabi niya. Babantayan ko siya hanggang sa matapos ang game."
"Kyungsoo, sa paraang ganyan hindi mo pa rin siya mapo--."
"Kuya, sige na. Sabi sa'kin ni Jongin, basta daw sa tabi niya lang ako. Basta alam niyang nando'n ako, hindi daw siya magpapadala sa galit niya, dahil....." Hindi ko natuloy. Ayokong sabihin na ako yung sinasabi niyang pampakalma niya.
"Dahil ano?" Natahimik naman ako at napayuko.
Naramdaman ko naman na nilapag niya ang ballpen na ginagamit niya, "Kyungsoo, are you inlove with Jongin? Are you inlove with that wolf?" Napatigil naman ako sa tanong niya.
Mahal ko na nga ba si Jongin? Hindi ko alam. Hindi ko pa alam. Naguguluhan pa ako sa ngayon.
"Kaya ka ba ganyan, eh dahil gusto mo na si Jongin? Kaya ba gustong-gusto mo lagi siyang masaya dahil...gusto mo na siya?" Napapikit naman ako.
"K-kuya...." Hindi akomakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Dahil sa tingin ko, oo ang sasabihin ko.
Dahil merong posibilidad talaga na mahal ko na si Jongin. Pero pwede ba? Wolf siya. Ordinaryong tao ako.
"Sa reaksyon mo ngayon at sa kinikilos mo, mukhang nahulog ka na nga talaga sakanya." Dumilat naman ako. Nakatingin sa'kin si Kuya nang seryoso. "Itigil mo 'yan, Kyungsoo. Hindi ka pwedeng mainlove sa lobong 'yon. Look, nandito si Jongin para tulungan lang natin siya. Mabait siya, Kyungsoo. Pero hindi pa rin tama na mahalin mo siya, dahil hindi siya tao."
BINABASA MO ANG
Moonlight (Kaisoo Fanfiction)
FanfictionKiss me under the moonlight. [boyxboy story] @-deerqueen