Moonlight 27

778 37 1
                                    


•Kim Minseok, Xiumin•

"Chennie! Gising ka na. Male-late na tayo."

Dito na kasi ako natulog sa bahay nila eh. Pa'no ba naman, hindi ako pinauwi ng lokong 'to. Gusto niya daw akong makatabi matulog.

"5 minutes pa, Minnie!" Sabi niya pa tapos nagtalukbong ng kumot. Nakabihis na kasi ako ng pang school. Pero naka-sando pa lang ako.

"Chennie naman eh. Dali na. Mabagal ka pa naman maligo." Sabi ko habang hinihila ang kumot.

"Minnie naman! 5 minutes nga eh." Napakamot naman ako sa ulo. Ano kayang gagawin ko?

"Ay oo nga pala. Chennie, may transferee pala. Ang gwapo-gwapo. Tapos merong 6 pack abs. Diyan ka na, ha? Aalis na 'ko. Imi-meet ko yung--!"

Napangiti naman ako nang dire-diretso si Chen sa banyo. Wala naman akong nagawa kundi sumandal sa headboard ng kama ni Chen. Ang sarap talaga asarin ng lokong 'yon.

---

Sabay kami naglalakad ngayon ni Chen. At napapansin kong meron siyang hinahanap.

Binatukan ko naman siya. "Aray ko naman, Minnie! Problema mo?!"

"Sinong hinahanap mo?!"

"Yung lalaking sinasabi mong transferee para ngayon pa lang paaalisin ko na dito! Namangha ka na bigla sa 6 pack abs eh!" Natawa naman ako sakanya.

"Ang uto-uto mo talaga kahit kailan, Chennie!"

"Pinagtitripan mo nanaman ba ako?!"

"Ikaw kasi eh! Ang tagal mong magising kanina."

"Tch!"

Nilagpasan niya naman ako. Habang ako tinitignan lang ang paglalakad niya. Bigla naman siyang tumigil.

"Ano pang hinihintay mo?!"

"Bakit ba ang sungit mo?!"

"Masama lang gising ko!"

"Edi sana hindi ka na lang gumising! Diyan ka na nga!"

Tumalikod naman ako at nagsimula na maglakad. Nakakainis 'tong camel na 'to! Bwisit.

•Huangzi Tao•

"Baba-hyung!"

"Alam mo ang dami mong tawag mo sa'kin."

"Cute cute naman eh. Tara, kain na tayoooo!" Sabi ko tapos hinila ko siya papunta sa canteen.

Habang kumakain kami, nakita namin si Chen at Xiumin. LQ nanaman siguro 'tong dalawa.

"Baba-hyung! Tingin mo, nag-away nanaman yung camel at siopao?"

"Ha? Pa'no naman mag-aaway ang camel at siopao, eh hindi naman gumagalaw ang siopao."

"Ang slow mo naman, Ba. Si Chen at Xiumin. Tingin mo? Nag-aaway nanaman sila?"

"Malay ko. Balik nanaman ata sa dati 'yang dalawa na 'yan."

"Hala. Bakit naman gano'n?"

"Ewan ko. Aish! Bakit mo sila iniintindi? Kesa yung intindihin mo tayong dalawa eh." Napangiwi naman ako.

"Ang weird mo talaga minsan, Ba. Okay ka lang ba talaga?"

"Tss! Ewan ko sa'yo, Panda."

Nang matapos kaming kumain, naglakad-lakad na muna kami. Hinawakan niya naman bigla ang kamay ko.

"I love you, Panda..." Tignan mo 'to. Ang weird talaga!

"Bakit ba ganyan ka, Ba?"

"Masama na bang magsabi na 'mahal kita' sa taong mahal mo?"

"Hindi naman. Pero pabigla-bigla eh."

"Ayokong masayang kasi ang chance na pwedeng-pwede ko pa sabihin sa'yo ang salitang I love you. Malay mo, 'diba? 'Pag nawa--!" Tinakpan ko naman ang bibig niya.

"Ayan. Ayan ang ayoko sa'yo eh! Nagsasalita ka ng mga nonsense. Itigil mo nga 'yan, Ba! Tatamaan kita ng wushu stick ko."

"Ito naman eh. Hindi na, hindi na." Hinalikan niya naman ang noo ko. Kaya naman napangiti ako.

Niyakap ko na lang siya. "Mahal na mahal kita kahit mahaba pa baba mo, Baba-hyung." Narinig ko naman ang 'tsk' niya. Kaya naman natawa na lang ako.

"Ikaw naman, mahal na mahal kita kahit malaki eyebags mo at kahit kalahi mo pa si Panda."

•Do Kyungsoo•

"Minnie! Sorry na kasi eh!"

"Bahala ka!"

Napatingin naman ako kila Xiumin. LQ nanaman sila? Ano kayang nangyari?

Nagulat naman ako nang may biglang yumakap mula sa likod ko. "Problem, baby?" Si Jongin lang pala.

"Nagtataka lang ako kila Xiumin. Mag-kaaway nanaman ata sila ni Chen."

"Talaga? Ano nanaman kaya pinag-awayan nila?"

Nanatili siyang nakayakap sa'kin habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Niyakap ko naman ang mga braso niyang naka-wrapped sa bewang ko.

"Maganda ba sa Korea, baby?"

"Oo naman. Super! Kaya lang first time ko din makapunta. Pero kung titignan mo sa internet pa lang, ang ganda talaga sobra. Gusto ko 'pag pumunta tayo do'n, baby unahin natin ang namsan tower." Sabi ko.

"Oh sige ba. Kung ano 'yang gusto mo, susunudin ko. Basta kung sa'n ka sasaya, okay?" Sabi niya tapos hinalikan ang gilid ng noo ko.

"Thank you, baby."

"Anything for you, my love."

---

"Class, bukas nga pala. Pupunta tayo sa red light university." Sabi nong adviser namin. Dismissal na. Pero meron pa daw siyang announcement.

"Ano pong meron?" Tanong ni Suho.

"May interschool kasi. Meron tayong classmate na lalaban. Kaya lahat tayo, pupunta do'n."

"Lahat po tayo manonood? Hindi po ba pwedeng yung iba na lang po sa'min lumibot-libot sa campus?" Sabi naman ni Tao.

"Okay lang naman, my dear."

"Yes!" Sagot naman no'ng iba. Malamang walang manonood. Lahat sila gagala.

"Excited na ako. Balita ko do'n nag-aaral yung idol ko. Si Amber!" Sabi ni Kris.

"Baba-hyung!" Saway naman ni Tao.

"Yaan mo, Panda. Tomboy 'yon, okay? 'Di kami talo!" Ngumiti naman si Tao.

"Balita ko ang daming maganda do'n. Nando'n sila Krystal. Yung sikat na artista ngayon sa SM entertainment sa Korea?" Sabi ni Xiumin.

"Bakit nandito?" Tanong ni Suho.

"Hindi ko rin alam eh. Basta dito sila nag-stay."

Natatakot ako. Maganda. Krystal. Napatingin ako kay Jongin na ngayon ay nakikinig lang sakanila. Kinakabahan ako.

Umiiral nanaman yung pagiging paranoid ko. Hoy Kyungsoo, 'wag na 'wag ka mag-doubt diyan. Mahal ka ni Jongin, okay?

'Wag ka ma-paranoid. Mahal ka niya. Nangako siya sa'yo. Ikaw lang mahal niya.

Naiintindihan mo ba, Kyungsoo? Kaya mo 'yan. 'Wag mo isipin 'yon. Fighting!

---

Moonlight (Kaisoo Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon