Moonlight 4

1.1K 54 3
                                    

---

"Huwag kang matakot sa'kin. Hindi ako masamang tao." Sabi no'ng lalaki sa'kin.

"T-tao ka ba talaga?" Natatakot kong tanong. Ayaw niya pa ring bitawan ang kamay ko.

"Sa tingin ko, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." Napahawak siya sa dibdib niya. Ewan ko, may masakit ata sakanya. "Isa akong lobo." Nanlaki naman ang mata ko.

"L-lobo?!" Bigla naman akong napalayo sakanya. Maryosep, yung ganitong kagwapong lalaki. Isang lobo?! Seryoso?!

"Oo. Pero 'wag kang matakot sa'kin. Hindi ako masamang lobo. Hindi ako basta basta nangangain nang laman nang tao." Napabuntong hininga naman ako. Akala ko katapusan ko na, eh.

"Bakit ka nga pala napadpad dito?" Tanong ko.

"Hinahabol ako nang mga masasamang lobo. Papatayin nila ako."

"Bakit naman nila gagawin 'yon?" Nagtama ang mata namin. Nagulat naman ako dahil biglang bumilis ang tibok nang puso ko.

H-hala, ano ba 'to?

Unang pagkakataon ko 'tong maramdaman. Ang tumibok ang puso ko nang ganito kabilis. At sakanya pa talaga.

"Napatay ko kasi ang mga magulang ko." Nabigla naman ako no'n.

"P-pinatay mo magulang mo?"

"Hindi sadya 'yon. Maniwala ka sa'kin. Hindi 'yon sinasadya. Pinagplanuhan 'yon nang walang'ya kong Tita, kapatid nang Papa ko." Hirap siya tumayo kaya naman tinulungan ko siya. Medyo nailang nga ako dahil half naked siya. Tapos medyo na-touch ko pa ang abs niya.

Wah! Kyungsoo, ano ba? Ang bad mo. Perv. Perv.

"Ako nga pala si Kyungsoo." Inilahad ko ang kamay ko sakanya. Tinignan niya na lang 'yon. Hindi niya siguro alam ang gano'n.

"Ako naman si Jongin. Ako ang prinsipe nang mga lobo. Hari't Reyna ang mga magulang ko. Pero dahil sa kagustuhan nang Tita ko na maagaw 'yon, ginawa niya lahat. Hanggang sa mamatay na lang ang magulang ko. At ngayon, ako ang hinahanap nila para patayin." Nagulat ako dahil bigla siyang umiyak. Bigla naman akong naawa. Mukha ngang ang hirap nang kalagayan niya sa lugar nila. "Tulungan mo 'ko, Kyungsoo. Meron din nagbilin sa'kin na isang matanda."

Moonlight (Kaisoo Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon