Moonlight 22

1K 43 0
                                    


---

It's been a week since naging kami ni Jongin. Nag-celebrate nga kami non, eh. Syempre, ang gastos nasa amin.


And yes, tomorrow na ang christmas ball. Ang bilis nga, eh. Pagtapos no'n, christmas vacation na. Parang kailan lang. Hay! Ang bilis bilis talaga ng panahon.


"Baby." Narinig kong bati ni Jongin sa'kin. Until now, medyo naiilang pa rin ako sa tawag niya sa'kin. Wala na, nasanay na kasi siya eh.


"Hello." Bati ko naman din. Binigyan niya ako ng isang bottle ng mineral water.


PE kasi namin ngayon. Yung topic namin ngayon, volleyball. Ito ang chance ng Thunders para matuto ng sport na 'to. Eh kinailangan namin ng 15 minutes walk and run. Kaya ito, naghahabol ako ng hininga. Ang lawak naman kasi ng gym. Tapos iikot kami? Aba, grabe naman.


"Ayoko na, Channie. Pahinga na muna tayo!" Narinig kong reklamo ni Baek habang naghahabol din ng hininga.


"Oo nga. Tayo rin, Chennie. Pagod na pagod na ako." Sabi ni Xiumin. Kaya in the end, tumabi sila lahat sa'min ni Jongin.


"Grabe naman 'to si Sir Don. Gusto niya ba tayong patayin? Biruin mo 15 minutes! Tapos ang lawak-lawak pa nung gym!" Reklamo ni Chanyeol habang naghahabol ng hininga.


"Oo nga eh. Nakakaasar! Naha-haggard ako." Sabi naman ni Baek.


"Lulu, ibato mo nga 'tong bubble tea tha bwithit na 'yan!" Sabi ni Sehun. Grabe, hanggang dito ba naman sa PE magba-bubble tea.


"Mamaya na lang, Se. Pagod pa si Lulu eh." Sabi naman ni Luhan.


Nandito kami nakaupo sa stage. Habang yung mga kaklase namin walang tigil na tumatakbo. Yung iba kasi dito mga MVP sa volleyball kaya sanay sila na paikot-ikot dito sa gym. Tuwing uwian kasi laging may training.


"Nga pala, pinapatawag tayo ni Ms Kim. Excuse na daw tayo sa afternoon classes natin. Dahil pupunta daw tayo sa studio ni Ms Kim. Do'n na daw natin ipagpapatuloy yung sayaw." Sabi ni Suho.


"Yehey! Advantage talaga kapag ikaw ang napipili sa mga ganito. Excuse ka lagi." Sabi ni Chen.


"Sus. Tinatakasan mo lang lagi ang mga recitations eh." Sabi ni Xiumin.


"Eh bwisit naman kasi yung mga teachers. Grabe kung magpa-recitation. Ultimong hindi pa nakakapasok ng classroom, diretso agad sa recitation." Natawa naman kaming lahat sakanya. Kahit kailan talaga, ang kulit-kulit. Matalino naman kasi si Chen, makulit nga lang talaga. Hindi lang nagse-seryoso.


"Suho and company, what happened?" Tanong ni Sir Don.


"Wait lang, Sir. Pagod na pagod na kami eh." Sabi naman ni Suho.


"Pagod? Tignan mo nga sila."

Moonlight (Kaisoo Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon