---
Sembreak na. Nandito lang kami sa condo nila Baek. Hinihintay namin ang text nila Suho. Sabi kasi nila, eh meron van na maghahatid sa'min sa resort nila Suho.
"Ni-ready mo na ba lahat, Kyungie? Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ni Baek.
"Wala na. Everything's settled." Sabi ko saka ngumiti.
"Ikaw, Jongin? Wala ka nang nakalimutan?" Tanong ni Baek.
"Wala na. Naayos ko na rin sa bag ko lahat nang gamit ko."
"Okay. Hintayin na lang natin ang tawag nila." Sabi ko.
Naupo na muna kami sa sofa. Nangalikot na lang ako sa phone ko. Binilhan din ni Kuya Soo-hyun si Jongin nang phone. Kaya ayan, medyo natututo na rin siyang gumamit. Ako ang nagturo sakanya.
"Kyungie! Tumawag na si Chanyeol, nando'n na daw sila baba." Sabi ni Baek.
Kinuha ko naman ang bag ko, " Tara na Jongin." Sabi ko.
"Ako na lang magdadala nang bag mo." Pagvo-volunteer niya. Wala naman akong nagawa kundi ibigay ko sakanya ang bag ko.
Nang makababa kami sa ground floor. Nakita na agad namin ang sobrang gandang van na pagmamay-ari ni Suho. Ang yaman talaga nitong taong 'to.
"Hello guys! Tara na. Excited na ako!" Sabi ni Tao na naka-sunglasses na habang naka-sando na color black. Katabi niya si Kris, na merong nakasuksok na headset sa tenga.
Tinulungan kami ni Chanyeol na iloob lahat nang gamit namin. Do'n na kami pumwesto sa susunod sa driver. Dahil halos lahat sila, eh sinakop ang buong likod. Meron silang sari-sariling mundo. Kasyang-kasya ang mga couple dito, tig-dalawa.
"Smurfy, dito ka sa tabi ko." Sabi ni Chanyeol. Sumunod naman 'to si Baek. Kaya in the end, sa tabi ko si Jongin. Take note, dalawa lang kami dito.
Nasa harapan naman si Suho at Lay. Si Lay naka-alalay ang kamay sa likod ni Suho.
Nasa likod naman namin si Tao at Kris. Si Tao, picture nang picture habang si Kris naman ay tulog habang nakikinig nang music.
Ang nasa likod naman nila, eh sila Luhan at Sehun. Umiinom sila nang bubble tea. Habang si Luhan naman, eh may pinapaikot na bola sa isa niyang daliri.
BINABASA MO ANG
Moonlight (Kaisoo Fanfiction)
FanficKiss me under the moonlight. [boyxboy story] @-deerqueen