"Meron na tayong anak, Ma. Ang saya-saya ko." Maluha-luhang sabi nang hari.
"Ako din, Pa. Sobrang saya ko." Sabi naman nang reyna.
Kasalukuyan nilang nilagay ang bagong sila na anak nila sa isang crib at agad itong natulog.
Sila ang hari at reyna nang mga lobo. Oo, lobo sila. Masasamang lobo. Sila ang walang pakundangan na kumakain nang tao.
"Mga kasama, maupo kayong lahat." Sabi nang Reyna. Sumunod naman ang kapwa-lobo nila.
"Ngayong meron na 'kong anak, malamang. Sa paglaki niya ay siya na ang mamamahala dito sa ating kaharian. Galangin niyo siya, katulad nang mga ginagawa niyo sa'min nang Mahal na Hari" Sabi nang Reyna
"Masusunod po, Mahal na Reyna." Sabi nang mga lobo saka sila nag-bow bilang paggalang.
Matapos ang anunsyo nang Reyna ay bumalik na agad ito sakanilang mansion.
"Kumusta naman siya?" Tanong nang Reyna.
"Okay naman. Mahimbing ang tulog niya." Sabi naman nang Hari.
"Nakapag-desisyon na 'ko. Kim Jongin ang ipapangalan ko sakanya." Napangiti naman ang Hari.
"Jongin. Ako 'to, ang iyong ama." Saka niya ito hinalikan sa noo.
MAKALIPAS ANG ILANG TAON
"Papa, gusto ko pong maglakad-lakad muna." Paalam ni Jongin sakanyang ama.
"Oh sige. Siguraduhin mo lang na hindi ka lalayo, naiintindihan mo ba?" Sabi naman nang kanyang ama.
"Opo, Pa. Masusunod po." Saka niya sinimulan maglakad.
Hindi nagtagal. Nag-transform siya into wolf. Masaya siyang mag-explore sa buong kaharian nila. Manghang-mangha siya dahil ngayon niya lang 'to nakita, dahil hindi siya pinapayagan nang kanyang ama.
Hanggang sa marating niya ang pinaka-mataas na bundok. Na tanaw na tanaw niya ang buong paligid.
"Ang ganda naman dito!" Sabi niya sakanyang sarili.
Nang mag-gagabi na ay napagdesisyunan niyang umuwi na dahil alam niyang papagalitan siya nang kanyang ama.
Nang makarating siya ay nagkakagulo ang lahat nang mga lobo. Mga kauri niya. Nakikita niya na kumakain ito nang mga tao. Hindi niya maiwasang mandiri. Kahit lobo siya ay hindi niya pa nararanasang kumain nang gano'n.
"Anak, kumain na tayo." Nagbalik siya bilangtao.Narinig niya ang kanyang ama na nag-transform na din bilang tao at kumakain sa plato.
"Papa, bakit gano'n sila? Bakit nila kinakain ang mga laman nang tao?" Tanong ni Jongin.
"Kumain na tayo, Jongin. Halika na sa loob." Sumunod naman siya. Lumingon ulit siya sa mga lobo saka tuluyang pumasok sa loob. Kumakain silang tatlo na tahimik lang.
"Jongin, hindi mo ginagalaw ang pagkain mo. Ayaw mo ba niyan, anak?" Tanong nang kanyang Mama.
"Ma, ito po bang kinakain natin? Pagkain po ba talaga?" Nagdabog naman bigla ang kanyang Papa.
"Jongin, ano ba?! Bakit ba ang dami mong tanong, ah?! Kumain ka lang diyan!"
BINABASA MO ANG
Moonlight (Kaisoo Fanfiction)
Fiksi PenggemarKiss me under the moonlight. [boyxboy story] @-deerqueen