---
Nagising ako, wala na si Kai do'n sa sofa nang kwarto ko. Oo, dito ko siya pinatulog. Natatakot na baka habang tulog siya do'n sa sala, eh bigla na lang siyang makuha nang mga papatay sakanya.
Ayokong mamatay siya.
Dali-dali akong bumangon sa kama ko at lumabas nang kwarto. Bumungad naman sa'kin ang mukha ni Baekhyun.
"Baek, asan si Kai?!" Kinakabahan kong tanong.
"Sino naman si Kai? Ikaw, Kyungie, ah? Ang dami-dami mong inuuwi dito. Si Jongin, wolf. Oh, sino naman si Kai? Bampira naman?" Binatukan ko na lang siya. Apaka talaga!
"Si Kai, si Jongin siya. Asan na ba siya?!"
"Andiyan lang kasi siya, oh. Nanonood nang TV." Lumingon naman ako sa sala. Nakita ko si Kai, nanonood nga nang TV.
Napabuntong hininga naman ako. Akala ko kung ano na nangyari sakanya.
"Kyungie, ah? Sobra kang nag-aalala diyan kay Jongin. In-love ka na siguro sakanya." Nakakalokong sabi ni Baekhyun at sinundot ang tagiliran ko. Napa-roll eyes na lang ako.
"Kaibigan natin siya, Baek. Ayaw kong may nasasaktan o nawawala sa isa sa mga kaibigan ko." Sabi ko. Dumiretso na lang ako sa kusina para kumuha nang gatas.
"Maganda umaga, Kyungsoo. Kamusta naman ang tulog mo?" Napalingon ako kay Jongin. Nasa tabi ko na pala siya.
"Morning. Okay naman. Ikaw? Bakit ang aga mo gumising?" Tanong ko habang sinasalin ang gatas sa baso.
"Sanay ako. Tsaka no'ng sa lugar namin, maaga talaga ako nagigising." Dahan-dahan naman akong tumango. "Gatas, gusto mo?" Alok ko sakanya.
"Oh sige. Gusto ko matikman, Kyungsoo. Ano bang lasa niyan?"
"Masarap 'to. Matamis." Sabi ko at nagsalin ulit ako nang gatas sa isang baso.
Binigay ko sakanya 'yon at dumiretso na kaming dalawa sa sala. Nanood na kaming dalawa.
"Kyungie, ako wala?" Tanong ni Baekhyun.
BINABASA MO ANG
Moonlight (Kaisoo Fanfiction)
FanfictionKiss me under the moonlight. [boyxboy story] @-deerqueen