Moonlight 29

806 40 0
                                    


Lumipas na ang dalawang linggo. Hindi ko pa rin kinakausap si Jongin. At dalawang linggo na rin siya punta nang punta dito sa bahay at hindi tumitigil sa pagso-sorry sa'kin.

At ang tigas ng puso ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kinakausap. Hindi ko pa siya pinapatawad. Hindi ko pinapakinggang mga explanations niya at sobrang tanga ko para gawin 'yon.

Nage-effort yung tao pero ano 'tong ginagawa ko? Umiiral ang pride ko. But you can't blame me. Nasaktan kasi ako ng sobra eh. Nakipaghalikan siya. At ang mas worst pa eh yung kahalikan niya yung babae na kinaseselosan ko simula pa lang.

"Kyungsoo, anak. Si Jongin nasa baba, hindi mo ba pupuntahan?" Well, hindi na ako magugulat. Araw-araw siyang nagpupunta sa bahay namin. Pero kahit kailan, hindi ko siya kinausap.

Umiling ako. Lumapit naman sa'kin si Mama. "Anak naman. Hanggang ngayon ba galit ka pa rin? Walang mangyayari sa'yo kung patuloy mong paiiralin ang galit mo, Kyungsoo. Dapat pinapakinggan mo yung explanations niya."

Tumingin naman ako kay Mama. "Maaayos po ba 'to? Nasasaktan po kasi ako eh."

"Hindi lang ikaw ang nasasaktan, anak. Si Jongin nasasaktan din."

Napayuko naman ako. "Oh sige, Ma. Pa-akyatin mo dito." Ngumiti naman siya at lumabas ng kwarto ko.

Sumandal ako sa headboard ng kama. Ito na siguro yung tamang oras para kausapin ko siya. Sobrang miss na miss ko na rin kasi siya eh. Miss na miss.

Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakita ko siya na papalapit sa'kin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa kama ko at kaharap ko siya ngayon.

"Soo.." Sambit niya habang nakatingin sa'kin. "I'll explain."

"Go on."

Narinig ko ang buntong hininga niya. "Nawala ako sa tabi mo non dahil bibili sana ako ng shake. Sabi kasi ni Chanyeol hyung merong masarap na shake sa loob ng canteen na 'yon. Bibili sana ako para sa'yo. Pero papunta pa lang ako merong humarang sa'kin na babae. Nagpakilala siya sa'kin. Sinabi ko na meron akong boyfriend, then suddenly hinalikan niya ako..."

Umiwas naman ako ng tingin. "Alam ko yung iniisip mo, Soo. Hindi ko siya hinalikan pabalik. Nagulat ako kaya hindi agad ako nakalayo. Pero for pete's sake, hindi ko gusto yung halik na 'yon. Soo, alam mo naman na ikaw lang ang nagmamay-ari ng labi ko, 'diba?" Dahan-dahan akong napatingin sakanya at nakatingin siya sa'kin nang seryoso. "Please, Soo? Forgive me."

Napaiyak naman ako. Kaya nilapitan niya ako. "Bakit? Kyungsoo, patawarin mo na ako. Nagsasabi ako ng totoo. Ikaw lang ang mahal ko."

Niyakap ko na lang siya bigla. "Sorry, Jongin. Napakatanga ko dahil hindi ko man lang pinakinggan ang explanations mo. Sorry. Sorry talaga, Jongin."

"Tsk! Shh..tahan na. Hindi mo kailangang mag-sorry, okay? Tama na." Sabi niya habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko. Kaya ako naman, sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. "I love you so much, Soo."

"I love you, too, Jongin. Very much."

Naramdaman ko naman na hinalikan niya ang ulo ko. "I've missed you, baby. So badly."

---

Nandito kami sa bahay nila Suho. Pinaguusapan na namin ang pagpunta sa Korea.

"So bale one week tayo don. Meron naman kasi kaming bahay sa Seoul." Sabi ni Suho.

"Tindi mo, Eomma. Yaman mo talaga." Sabi ni Tao.

"So ayon nga. Bukas na ang alis natin. Kaya i-prepare niyo na lahat ng gamit niyo, okay? Sisiguraduhin kong mage-enjoy tayo lahat do'n."

Moonlight (Kaisoo Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon