---
Magkakaroon kami ng ball next week, Saturday. Christmas ball, ayon daw ang magiging event namin. Imbis na kanya-kanyang christmas party sa classrooms, ginawa na lang nila nang buong Peterpanians. Hanggang ngayon, natatawa pa rin ako sa tawag sa'min. Peterpanians? Ang kulit lang.
"Excited na ako sa ball, guys!" Sabi ni Baek.
"'Wag mo sabihing mag-cocktail dress ka? Baka nakakalimutan mong lalaki ka." Sabi ko. Tinarayan niya naman ako.
"Kahit na naka-suit ako, mas maganda pa rin ako sa mga naka-cocktail dress!"
"BOOM PANES!" Sigaw ni Chen. Natawa naman kaming lahat. Totoo naman kasi, yung mga nag-aaral kasi dito mukhang mga tuko. Tama si Baek, mas magaganda pa kami sakanila. Mas mukha pa nga kaming babaeng kesa sakanila, eh.
[A/N: OO NA, KYUNGSOO! 'WAG MO NA IPAMUKHA! NASASAKTAN DIN KAMING MGA BABAE!]
Oh, tignan niyo, maski si Author, naiinggit sa kagandahan ko. Hahahahaha! Ang ganda-ganda ko talaga.
"Sabi ni Ms Shin, tayo daw ang na-assign na mag-organize sa ball." Sabi ni Suho.
"Okay lang sa'kin, para excuse tayo sa mga subjects." Sabi ni Chen.
"Punyeta ka, Chen! Yung IP natin napasa mo na ba? Pinagbigyan na nga tayo do'n, eh!" Sabi ni Chanyeol.
"Wala pa ring Scope and Limitation, eh."
"Ulupong ka talaga! Gawin mo na kasi. Hindi tayo makaka-graduate niyan! Kailangan natin 'yon para sa Thesis. Alam mo naman na may pinangako ako kay Mommy, 'diba?!"
"Oo na, oo na. Gagawin ko na mamaya. Ang hirap naman kasi no'n."
"Ako na lang gagawa ng Scope and Limitation niyo. Bigay niyo na lang sa'kin yung title niyo." Sabi ko.
"Sigurado ka?" Sabi ni Chanyeol.
"Oo naman. Ilang taon ko na nadadaanan ang IP."
"Thank you, Kyungsoo! You're the best!" Sabi ni Chen saka yumakap sa'kin.
BINABASA MO ANG
Moonlight (Kaisoo Fanfiction)
Hayran KurguKiss me under the moonlight. [boyxboy story] @-deerqueen