Moonlight 9

1K 51 2
                                    

---

"Kyungie, gumising ka na!" Napabangon naman ako nang marinig ko ang boses ni Baekhyun.

"Oo, andiyan na!" Sigaw ko. Sana naman marinig niya 'yon, nakatalukbong kasi ang buong katawan ko nang kumot.

Bumaba ako sa kama at saka ako lumabas papuntang sala. Gising na silang dalawa. Naka-uniform na si Jongin habang umiinom nang gatas.

"Kyungie, maligo ka na." Sabi ni Baekhyun. "Male-late kasi tayo, eh." Pahabol niya pang sabi.

Tinignan ko ang clock nang sala, 6:30am pa lang. Sa pagkaka-alala ko 8am pa ang class namin.

"Late? Eh gusto mo lang makita ang dobby mo!" Sabi ko. Hinanda ko ang baso na panglalagyan ko nang gatas.

"Kyungsoo, 'wag na. May ginawa na ako para sa'yo." Narinig kong sabi ni Jongin.

Nagtungo naman ako sa sala. Kinuha ko ang gatas na ginawa sa'kin ni Jongin.

"Salamat, ah?" Ngumiti na lang siya sa'kin saka siya bumalik sa panonood.

"Yie! Kinikilig ako sainyong dalawa!" Sabi ni Baekhyun habang naggi-giggled. Natawa naman ako sakanya.

Ewan ko, ako rin, eh. Kinikilig. Sa simpleng paggawa niya lang nang gatas sa'kin, parang sobrang espesyal na sa'kin.

Bigla namang tumabi sa'kin si Baek, "Kyungie! Tayong dalawa lang naman 'to, may gusto ka na ba kay Jongin?" Tanong niya sa'kin.

Napatingin naman ako kay Jongin na ngayon ay tumatawa dahil sa pinapanood niya. Awtomatikong napatango naman ako habang nakatingin sakanya.

"OWEMJEE!" Pagsigaw ni Baek. "JONGIN--" Tumingin sa'min si Jongin. Tinakpan ko ang bibig ni Baek.

"Oh, anong nangyari?" Tanong ni Jongin.

"Ah, wala wala. Sabi niya, kailangan na daw natin pumasok!" Sabi ko.

"Eh pa'no ka? Hindi ka pa naliligo."

"Maliligo na 'ko." Tumayo ako sa sofa. "Subukan mong magsalita, Baek. Magpapalipat ako nang section." Banta ko.

Moonlight (Kaisoo Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon