Moonlight 7

1.1K 61 2
                                    

---

"Hello, ito nga pala si Kim Kai. Tawagin niyo na lang siyang Kai. Medyo mahiyain siya, pero mabait naman." Pagpapakilala ko kay Jongin sa buong classmate ko.

"Kaibigan mo ba siya, Kyungsoo?" Tanong ni Ms Shin.

"Opo. G-galing po siyang province. Sumunod lang po siya sa'min ni Baekhyun." Sabi ko.

"Oh sige. Maupo na kayong tatlo." Sabi ni Ms Shin.

Tabi kami ni Jongin, tapos yung nasa right ko naman si Baekhyun.

"Yo, good morning Baekhyun." Bati ni Chanyeol.

Ngumiti naman si Baekhyun. "Good morning din, Chanyeol." Bati niya rin.

"Oh, new dude." Sabi ni Chanyeol. "Hello, ako nga pala si Chanyeol. You are?" Inilahad niya naman ang kamay kay Jongin. Nakipagkamayan naman siya.

"Ako si Kai." Nahihiyang sabi ni Jongin.

"Don't be shy. Mababait 'yang mga 'yan. Hindi ka nila sasaktan." Bulong ko sakanya. Tumango naman siya.

"Mukhang mahiyain ang new classmate natin, ah?" Sabi ni Chen habang naka-akbay kay Jongin. "Hi. Ako nga pala si Chen." Nakangiti bati niya. Nginitian niya naman siya ni Jongin.

"Hi, Kai. 'Wag kang matakot sa'min. Pwede mo kaming maging kaibigan. Ako nga pala si Suho. Ako yung president nang student council tsaka dito sa classroom natin." Sabi niya.

Tumingin naman sa'kin si Kai. Tumango lang ako sakanya na nagsasabing 'sige lang, mababait sila'. Ngumiti naman siya.

"Hello sainyo." Bati ni Jongin.

"Lulu, bili tayo nang bubble tea." Sabi ni Sehun kay Luhan. Mga kaibigan ko na din sila.

"Hoy, Sehun. Bubble tea ka nang bubble tea, kaya tignan mo. Nagiging bulol ka na!" Sigaw ni Chen.

"Ano naman ang konek no'n tha pagbili ko nang bubble tea?" Mataray na sabi ni Sehun. Natatawa naman ako. Bulol nga talaga si Sehun sa S.

"Wala. May masabi lang. Papansin kasi 'to si Jongdae. LQ kasi sila ni Umin-hyung." Sabi ni Tao. Ito yung mukhang panda, kaibigan ko na din siya.

Moonlight (Kaisoo Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon