Picking up the White rose...‘Ano kaya pagkatapos nito?’
Picking up the Pink rose
‘saan ba talaga ako papupuntahin ng mga roses na ito?’
Picking up the Pink rose...
Puro mga tanong ang namuo sa isip niya habang pinupulot ang mga rosas na nakikita niya. Haggang sa naubos na niya ang petals ng pink rose na hawak niya. Napatingin siya sa paanan niya pero wala siyang rosas na nakita pa. Napatingin siya sa harapan niya.
Malaking pintuan. Isang pintuan na ngayon pa lamang niya makikita. Inikot niya ang panangin niya sa buong paligid. Wala siyang nakikitang ibang clue or directions ng dapat niyang gawin. Hinawakan niya ang door knob nung hindi ito bumukas. Napatingin siya sa may door knob...
May nakalagay na lock at message.
Jagiya,
Hindi mo kaagad binasa ito no? Hay ikaw talaga... Anyhow Jagiya pag labas mo ng bahay na ito... sundan mo ang 1st arrow okay... Then the rest will follow?
Yung Susi diyan sa lock yung singsing nating dalawa... I love you :)
P.S.
Tanggalin mo nga yang frown sa noo mo... sige ka magiging manang ka niyan
Napangiti si Lily.
“Kilalang-kilala mo talaga ako :)”
Nakita niya ang lock, naisip niyang hindi naman siguro kailangang tanggalin niya pa ang singsing niya para buksan ang nasabing lock Kaya ihinarap niya ito sa lock. Nanlaki ang mata niya nung nakita niyang umilaw ito. Hinintay niyang may mangyari sa lock pero wala, umilaw lang ito. Naisipan niyang buksan ang pintuan. Pag bukas niya ng pintuan. Nakita niyang may tumalon na arrow sa harapan niya.
Napasapo siya sa bibig niya noong makita niya ang lugar...
BINABASA MO ANG
The Casanova Prince's Wife
Teen FictionNalaman mo nga na princess ka, tapos biglang malalaman mo na ang pagiging prinsesa mo may mga kadugtong pa... isa na doon ang pagiging Ampon mo tapos pagpapakasal sa Campus casanova, kayanin mo kayang maging wife?