Chapter One: "Long Hair means Purity"

17.6K 159 10
                                    

Lily

"Chum!" 

"Ay anak ng pusa" napahawak ako sa puso ko, sabay tingin kay Dynie. Siya lang naman ang nanggulat sa akin habang nag susulat ako ng story na hindi maalis alis sa utak ko.

She always looked good in our uniform napatingin tuloy ako sa sarili ko tapos sa kanya. Hindi ko talaga bagay ang mag suot ng PE uniform. 

"Labas ka naman!"

Napatingin ako sa labas ng classroom kung saan makikita mo kaagad yung field na kinalalagyan ng mga volleyball players. Cheers and boo's filled the room. Ayaw kong lumabas kasi nakakatamad hindi naman ako player ng intramurals eh. 

Napabuntonghininga nalang ako tapos sinara ko na yung notebook ko. "Sige na nga. Sa canteen nalang tayo ah"

Napailing tuloy sila. Well saan ka pa ba pupunta sa init sa labas, makikisiksik para manood? No way.

"Sige canteen pero daan muna tayo titiganna natin yung mga players ng badmenton, basketball and volleyball okay?"

Napakamot tuloy ako sa ulo. "Sige Pero-"

Then she hugged me. "Sus, hindi mo naman ako matitiis, sino pa nga naman ba ang magmamahal sa isang katulad mo na parati nalang na ganyan ang ginagawa araw-araw"

"Wala tayo lang" ayun sa may pintuan dumating din si christine.

"Tin.." Alam naman ko namang hindi ako mananalo sa pasaway na parang ka twin ni Vice Ganda sa pambabara.

"Bakit totoo naman!" ulit pa ni Christine making me sigh. 

Looking Dynie for help she smiled and nodded.  "Tama na yan christine, asaran nanaman yan"

Salamat naman sa diyos dumating ang angel ng buhay ko!

"psst"

Napatingin ako kay christine na bagsak na bagsak na ang mukha. Syempre kung meron angel may devil sa buhay niya.

"Ano?"

"Siguro thank God ka diyan kay lord noh?"

"ha?"

"Haleluyah ang mukha mo nung pumasok na si Mama Dynie eh"

"Tse, Tin. Tumigil ka" Sige na Tin sa araw araw na ginawa ng diyos.Mag Day-off ka naman sa kababara sa akin!

"Ayaw ko" 

Huminga ng malalim nalang ako ng malalim. Calm down, fighting fire with fire will only make this bigger mess. 

"Tin..." that made her stop. She had always listened to Dynie.

***oOo***

Tumayo si Nathan sa upuan niya sa loob ng klase niya pagkatapos maglaro ng 'tekken' sa PSP niya.

"Prince, san ka pupunta?" 

Dali daling tumayo si Kaye mula doon sa kinauupan niya. 

"Dota tayo" 

Sabay tayo at ibinulsa ang kamay sa pocket ng slacks niya.

Napalingon ang ibang Scholars sa sinabi ng Prinsipe. Hindi naman kasi nag dodota ang prinsipe, nung makita ni Nathan ang expression nila, he just smiled.

"Hmm, Just kidding. Let's just go outside..." 

Sabi pa niya na naglalakad na papunta sa labas ng classroom nila.

Sumunod lahat ng scholars sa kanya. Lahat sila ay nagmistula naring magkakaibigan pero respected parin ang Monarch. Kaya iniingatan nila ang monarch sa lahat ng panahon. Parang bodyguards nga eh, Lahat silang 12 ay mayayaman dahil narin sila ay nasa blood line ng royalty. Bilang isang scholar hindi nila iniwan ang tabi ng prinsipe.

The Casanova Prince's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon