CHAPTER 1- Unrecognize Meeting

437 26 53
                                    

______________________________________________

P U R S U E Y O U R D R E A M S I N L I F E !
______________________________________________

AKKIERA POV

Dear Diary Note,

Nahagip ng aking dalawang mata ang mga salitang nakasulat sa maliit na whiteboard na nakasabit sa loob ng aking silid.

Ang mga salitang 'yan ang laging naka-tatak sa aking isipan. Back then, in my childhood days laging sinasabi ng aking ama't ina na dapat makatapos ako ng pag-aaral at makamit ang mga pangarap na gusto kong mangyari sa aking buhay. Kaya naman pursigido talaga ako. At syempre kasama na dito 'yong Prince Charming ko. Hihi.

Of course, sino namang hindi gusto ang matupad mga pangarap niya, halos lahat naman tayo ay 'yon ang gustong mangyari. Ang natatanging pangarap ko lang naman ay maging isang sikat na musical artist.

Kaya nga persistent talaga ako sa aking mga ginagawa lalo na sa pag-gigitara at pagsusulat ng kanta.

Dumating ang isang araw na nawalan ako ng gana. Dahil iyon sa mapanakit na salita narinig ko galing sa auntie ko. Kinamumuhian niya kasi ang mama ko. Pinili kasi ni Dad si Mom over their family kaya ganun lang ang galit ng aunt ko sa amin. Kahit na ganun ang naramdaman ko pipilitin ko pa rin ang sarili ko na gawin ang dapat na gawin para matupad lang ang mga pinapangarap ko.

                                  Nagmamahal,
Akkie

Makapagsulat na nga ulit ng kanta.


🎶 Hmmm.. la, la, la 🎶

Verse 1:
She's got a fire deep inside
A dream she cannot hide
She knows her destiny
She's gonna be a musical prodigy

🎵🎵

Chorus:
She's reaching for the stars
Gonna make it to the top
With her voice and her guitar
She won't ever stop

🎵🎵

Dito nalang muna, itatabi ko muna ang musical notes ko.

"Nak, ali kana, kumain ka na dito."

'Yan ang mommy ko at napaka-supported niyan. Alam kasi niya na ito talaga ang hilig ko.

"Ito na po ma, lalabas na po."

Pagkatapos magligpit ng mga pinagkainan namin. Bigla kong naisip na malapit na pala ang pasukan at maghanda na sa mga kakailanganin ko rito.

Lexzeus Academy [S.Y 2016-2017]

Sikat na eskwelahan ang Lexzeus Academy. Napaka-competitive nito pagdating sa Academic at Extra-curricular activities. Hindi na bago sa'kin na sumasali sa mga contest. Dagdag points na rin 'yon sa grades ko. May mga mayayaman din dito o tinatawag na Elite Class Society, mayroon ding may kaya lang sa buhay o Middle Class Society at ang iba naman ay nabibilang sa Lower Class Society na may Scholarship Grant para sa mga matatalino na hindi kayang tustusan ang pang- matrikula.

Isa ako sa Middle Class Society. Hindi ako mayaman at hindi rin ako masyadong matalino pero matataas 'yong grades ko.

CLASS 102

Ang nakamarkang plaka sa itaas ng isang silid-aralan. Pumasok ang isang guro na siya ring classroom adviser nito. Siya ay binigyan nang isang masigasig na pagbati ng mga estudyante at pagkatapos ay nagbigay ito ng isang instraksyon at ang lahat ay nagpakilala.

Dream Together [The ONEIRO #1]Where stories live. Discover now