CHAPTER 3- Akkie and Rein Getting Closer

86 20 20
                                    

AKKIERA'S POV
Napansin ko'ng maraming bisita ang mga kabaryo namin. Syempre, maraming tao kasi Big Day ika nga. Araw ng Huwebes ngayon.

Sayang hindi lang kami kompleto kasi malayo 'yung Papa Roland at Ate Cryssa ko.

Dumating ang Bestie ko na si Kyra.

"Hi Besh! Tara gora tayo! Meron kasing banda do'n sa kabilang kanto, sa may court. Punta tayo!?" Humuhugis sa kanyang mukha ang excitement. Teka ba't hindi ko 'to alam.

"Sigeh pero kailangan mo kung ipagbilin kay Nanay kasi magagalit 'yon."

"Tapos na Besh, kanina pa kita ipinagbilin. Tara na!"

"Talaga lang ha? OK!"

Agad na akong sumama sa kanya kasi nakabihis naman ako ng maayos.

Ilang minuto na ang lumipas, nagdagsaan na ang mga tao sa loob ng court. "Masikip na dito Besh. Ano na may mauupoan naba tayo?" Tanong ko nito habang nakikipagsisikan sa mga tao. Ang dami ko namang kakilalang klasmeyt dito.

"Besh, halika ka dito may mauupuan na tayo." Excited na wika niya sa'kin.

"Lam mo Besh, nagbayad pa 'ko upang dito tayo maka upo. VIP kaya 'tong upuan. Dapat lang magpasalamat ka sa'kin." Pagmamalaki naman nito sa'kin.

"Salamat Beshie, ang galing mo talaga! Hindi pa ba lalabas 'yong magbabanda ngayon? Medyo matagal ah.." Reklamo ko't naiinip na kasi.

"Ayun! Lumabas na sila. Yeeeeey!! Hoooo!!

Reinzo Kayll!

Calvin!

Luckii!

JZ!

Grabe! Ang lalakas ng mga boses ng mga babae't beke dito. Pati patong kasama ko nakikisawsaw rin. Geez!

"Wag ka ngang KJ dyan Besh! Sumigaw ka naman! Yoo! Hoo! JZ! Crush ko si JZ!" Hindi mapigilang hiyaw ng kaibigan ko. Ang cute nga niyang tingnan! Kinikilig yarn!

🎶🎶🎶🎶
'Di mo ba alam na ika'y aking mamasdan

...

Pagkatapos na nilang kumanta nakaupo na rin kami ulet. Medyo napagod din 'tong paa ko ah. Ganito talaga sa'min kapag darating na ang Big Day. Hindi pwedeng walang mini- concert.

May palaro din na nangyari dun sa stage. Ang dalawang host naman ay mga beke kaya naman ang daming taong tawang- tawa sa kanila. Ang gagaling kasi nilang magpatawa. Haha! Best Comedian yarn?!

"OK! Kunting katahimikan naman tayo dyan mga Mari! May tatanungin tayo sa mga banda boys ngayon! Ready naba kayo?" Pagkasabi ng isang beke na nakasuot ng maikling skirt at iniharap ang hawak- hawak na microphone sa lahat ng audience.

"Readying Ready na! Yooo! Hooo! Yeeey!"

"Ang una nating tatanungin ay si Reinzo Kayll o sa kilalang Rein." Wika ng isa pang beke na mahaba ang buhok. At humakbang ng ilang steps 'yung tinawag na lalaki na ang pangalan ay Rein. Handang-handa narin ang lahat na makinig sa tanong at sagot nito.

Dream Together [The ONEIRO #1]Where stories live. Discover now