CHAPTER 8- Son and Daughter of Academy's Owner

31 6 13
                                    

AKKIE POV

Alam niyo ba na ire-reveal na kung sino ang mga anak ng may-ari ng Acad.

'Yan lang naman ang naririnig kung bulong bulongan sa school namin. Hindi naman ako interesado kung sino sila.

Attention to all students of Lexzeus Academy. We will have our recognition in the Atrium. Thank you.

Ang boses na 'yan ay si Alexa, kaibigan ni Monica. Kaya hindi ako masyadong nakikipagkaibigan sa Alexa na 'yan. Hindi rin naging good model sa Acad. Bad influencer din.

Nung isang araw nga ay pinagtitripan nila 'yung isang matabang babae na naka-eyed glasses. Kung alam niyo lang anong ginawa ng mga bitches na 'yun. Siguro kailangan din nilang makatikim ng leksyon.

"Halika na Akkie. Punta na tayo sa Atrium. We had to know kun sino ang son and daughter of Acad."

"Duh.. Nakatatamad, Besh.." Parang ayaw ko talagang pumunta.

"Ayh, ang dami mong arte". Hayun, itinulak na'ko. Ang kulit talaga ni Kyra.

"Ok pwes, andito na tayo. Anong naisip mong gawin natin kina Monica Mitch? They had Alexa and Shaira, Right?"

"They bullied most of the nerdy student, loser and inferior. Kailangan din nilang maturuan ng leksyon."

Ano naman "tong naisip ni Kyra. Pero, sa totoo lang, ang dami na nilang atraso sa lahat ng student dito. Hindi na dapat ito palalampasin.

Maraming student na ang nakaupo dito sa loob ng Atrium. My jaw dropped when I heard Zeus and Lexxie's name. Are they? What? Why Zeus didn't tell me?

"Besh did you heard what I heard ?

"Yeah! Narinig ko bestie. Hindi ko nga akalain eh". Ramdam ko ang pagkadismaya. Matagal na kaming naging kaibigan, hindi man lang niya nabanggit. Who am I to him?

"Palagi kayong magkasama. Hindi man lang siya nagsalita tungkol sa kanyang identity?" Kyra asked with a bit strange on her tone.

"Ganun na nga besh, hindi ko na siguro dapat malaman, di ba?" Naging iba na ang tono ng pananalita ko.

"And what am I supposed to do? Magalit sa kanya? Wow ang OA ko naman kung ganun. Hindi ko nalang siguro siya kakausapin. Period!"

"Ha!? 'Wag namang ganyan besh. Baka may sarili siyang dahilan. Kaya hindi niya nasabi ang totoo."

"Ah ganun? Kinakampihan mo pa talaga siya?"

"Hindi no, nagsasabi lang ako ng totoo!."

"OK then, aalis na ako!"

"Teka, yung plano natin kina Mitch?"

Hindi na siguro matutuloy yung plano namin. Hayaan ko na lang, distraksyon lang yun sa sarili ko. I need to focus sa mga goals ko.

REIN POV

Nasa'n kaya si Akkiera. Nagtext ako sa kanya kanina. Hindi din niya sinasagot tawag ko.

"OK lang ba na maghintay ka muna, Benedict? Hindi kasi sinasagot eh."

"Ok lang".

Matanong ko nga. Diba sabi mo bestfriend kayo ni Akkie and how long?". Nagkakabestfriend ba 'yon ng  isang lalake? Ang hirap kaya niyang kaibiganin.

"Oo, since elementary. Magkaibigan na kami."

"Super close kasi kami nun kaya, naging bestfriend kami, more on common interest."

"Ahh ganun ba." Bakit kaya medyo lamnya niyang magsalita? Is he a gay or bi?

Oh mag merienda muna kayo, mga hijo." Inilapag ni Tita Claire ang merienda sa maliit na lamisa.

"Pasensya na kayo, pinaghintay kayo ng anak ko."

"Okay lang po Tita. Sambat ni Benedict. Halos magkasabay kami sa pagbigkas.

"Okay lang Tita Claire. Tugon ko rin."

"Asan na bayun, ba't hindi parin sumasagot."

"Ayan na pala hinihintay niyo, mga hijo."

"Mano po nay". Anong nangyari sa kanya. Naubusan ba 'to ng sigla. Tumingin ito sa sala kung saan kami nakaupo.

"Bakit kayo nandito?" Nakataas pa 'yung kilay?

"Uhh eh, nagkataon lang na magkasama kami."

"Linawin ko ang tanong ko ha, bakit kayo nandito?"

"Eh kasi, may sasabihin lang sayo si Benedict."

"Anong ako, diba ikaw may kailangan sa kanya?"

"Ikaw na mauna." Pagpilit ko sa kanya.

"Ano ba talaga? Ang dami ko pang gagawin."

"Anak, kausapin mo nang maayos ang mga bisita mo." Yumango lang ito sa kanyang Ina.

"Okay.. sinong mauna sa inyo?"

"Gusto ko lang itanong kong sasali ka ba sa photoshoot?"

"Anong photoshoot ba 'yan Benedict, alam mo namang hindi ako bagay sa ganyan eh."

"Anong hindi bagay, ang ganda-ganda mo kaya."

"Talaga, maganda ako? Cross your heart until you die?"

"HAHAHA!" Nalakasan ko pala tawa ko.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Walaa.. Ikaw yung nakakatawa.."

"May sinasabi ka Reinzo Kayll?" Parang pikon na'to ah.

"Ayh wala, wala akong sinasabi."

"Okay ka na ba? Yes na 'yan ha?"

"Uyy teka.. teka lang.."

"Wala nang bawian? Okay?" Wika niya habang nakatayo at palakad patungong pintuan.

"Bye. Una na'ko." Kita nalang tayo sa makalawa."

"Oh ikaw? Kailan ka pa uuwi?" Bakit ang sungit niya ngayon, may dalaw ba 'to?

"Ha? Hindi ko pa nga nasasabi. Paalisin mo na ako?"

"Ano naman sasabihin mo?"

"Uhh, eh.. I just want to be your partner for the science project. Is that okay?"

"Hmm, teka muna.. Bakit gusto mo akong maging partner? Diba marami naman dyan. Magkaiba din ang room natin, How could we meet for that?"

"Ako na ang bahala dyan. Sabihin mo nalang kung Oo o Hindi?"

"Hmm, sige, pero sa isang kondisyon"

"Anong kondisyon naman 'yan?"

"Be my partner sa photoshoot or di kaya assistant. Deal?"

"OK. Deal!" Ngumiti na lamang ako. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako sa kanya.

Chapter Epilogue

Ahhh! Ahhh! Who did this to us? Sigaw ni Shaira kasama ang mga bruhang friends niya.

"Nasira tuloy ang buhok ko, bagong rebond pa to e." Wika ni Alexa habang hinahawakan ang malagkit niyang buhok."

"Ang daming paint sa mga piluka ko. I know someone who will do like this."

"Sino?" Sabay pagkasabi nina Shaira at Alexa.

"Sino pa nga ba? Si Akkiera at praning niyang bestfriend. Humanda talaga sila sa akin." Tugon niya habang umuusok na ang dalawang butas ng kanyang ilong.

Authoress Note:
Thanks for your time in reading, writing a comment and  hitting the vote star icon below. I accept critiques.

Dream Together [The ONEIRO #1]Where stories live. Discover now