CHAPTER 2- Their Friends True Identity

154 25 26
                                    

CALVIN'S POV
Isang linggo na ang nakalipas simula nong mag-break up sina Rein at Lyza. Masaya ako sa kaibigan ko dahil hindi siya nagpa-apekto sa isang babae kagaya ni Lyza. Kilalang-kilala ko ang kaibigan ko. Simula pa no'ng magklasmeyt kami sa elementarya hanggang sa mag- high school na kami. Marami nadin kaming napagdaan at mga kalokohang nagawa. Ewan ko ba, parang kapatid na kasi ang turing ko sa kanya. Kaya naman ganun lang ang concern ko sa kanya at ganun din siya sa 'kin bilang magkaibigan.

Habang naka-upo ako at nagba-browse sa news feed ng isang social media app. Napansin ko ang mga taong nasa likod ng video sina Rein, Lyza at 'yong bagong nobyo niya- sa time na nagkagulo dahil sa iisang babae. Sino naman kaya ang nagpakalat sa video na'to? Pinindo't ko 'yong profile sa nag-post. Dummy account 'yong gamit niya. Sino na naman kaya 'to?!

"Anong tinitignan mo dyan, Cal?" Tanong sa 'kin ni JZ.

"Ah, ito ba? Tingnan mo Bro sino kaya ang nag-post ni'to?. Sunod- sunod na tanong ko sa kanya.

"Ewan ko dyan Bro, hindi naman ako masyadong nagbababad sa Social Media, kaya wala akong alam sa mga ganyang pangyayari at kung sino ang nag-post."
Walang alinlangang sagot nito sa 'kin.

"Ah ganun ba?"

" 'Wag mong kalimutan 'yong bilin ni Rein, Okay?" May pinaalala lang sa 'kin si JZ.

JAY-Z OR JZ'S POV
Galing ako sa Basketball Court kasama ang iba ko pang mga kaibigan na mahilig mag basketball nang maalala ko ang tugon sa 'kin ni Rein.

Habang naglalakad at papasok sa silid aralan, napansin ko si Calvin na titig na titig sa kanyang mobile phone. Malapit na ako sa kanya.

"Anong tinitignan mo dyan, Cal?" Curious na tanong ko rito.

"Ah, ito ba? Tingnan mo Bro sino kaya ang nag-post ni'to?. Sunod- sunod na tanong niya sa 'kin. Bahagyang nagkunot ang noo ko ng makita ko ang dummy profile account.

"Ewan ko dyan Bro, hindi naman ako masyadong nagbababad sa Social Media, kaya wala akong alam sa mga ganyang pangyayari at kung sino ang nag-post."
Patay-limod na sagot ko sa kanya.

"Ah ganun ba?" Tipid na tugon nito.

" 'Wag mong kalimutan 'yong bilin ni Rein, Okay?" Nautusan akong ipaalala kay Calvin ang tugon nito galing kay Rein.

LUCKII'S POV
"Babe, may pupuntahan muna 'ko ha? Bye, Labyu." Agad kong pinatay at ibinaba ang phone at niyakap ang isa ko pang girlfriend habang mahimbing siyang nakatulog sa sofa. Alam niyang pangalawa lang siya.

"Sino 'yon Beyb? Bigla siyang pumiglas sa 'kin.

"Ah, 'yon bang tumawag? Si Nicah 'yon.

"Hiwalayan mo na kasi siya. Ako nalang kasi piliin mo. Sige na Beyb." Wika nito sa 'kin with pa cute na nguso at naka- puppy eyes pa. Ang cute niya talaga.

"Hindi pwede Beyb, alam mo naman siya 'yong una, Di ba?

"Okay, basta ako lang 'yung pipiliin mo sa huli."

"Oh sha, 'wag ka nang malungkot, Okay?" Pagkasabi ko'y niyakap ko siya nang mahigpit.

Pareho kasi silang maganda, sexy, matalino' mayaman rin kaya hindi ko maiwasang pagsabayin silang dalawa.

KYRA'S POV
"Yaya! Kanina pa kita tinatawag, na saan kaba!?

"Andito na'ko Ma'am Kyra, pasensya na po. Takot na sagot ni Yaya Kuring.

"Di ba sabi ko sa'yo na hindi ganito ang resulta sa labada mo? Tingnan mo ang dumi-dumi pa. Labhan mo 'yan ulit." Galit na galit kong sabi at hinampas sa mukha niya ang labahan.

Dream Together [The ONEIRO #1]Where stories live. Discover now