CHAPTER 12- The Bonding Brings Complication

33 3 4
                                    

Akkiera's POV

Bene sent you a message
Goodnoon.
Girl, where are you?
Kasama mo na ba si Zeus, papunta na ba kayo?

Heto lang naman ang bumungad sa aking mga mata. Habang hawak-hawak ko ang aking phone ay sunod-sunod na text message ang natatanggap ko galing kay Bene. Hindi talaga makapaghintay ang baklang 'to.

Araw ng sabado ngayon, walang pasok, syempre. Ang usapan namin ay 2 o'clock kami magkikita sa beach resort ng mga kaibigan ko.

We invited the band group of Rein and the friends of Zeus para naman hindi magkailingan dahil hindi pa masyadong kilala ang isa't-isa sa magkabilang party.

We (I, Bene and Kyra) plan to do the games or team building games. Para hindi boring ang bonding na ito.

Hindi naman naging mailang ang iba dahil friendly naman ang mga ito. May iba naman ay introvert. Hindi talaga maiiwasan na may mahalong ibang personality sa isang grupo.

Kaya naman we do ang merging, para hindi magkasama 'yong magkakilala na.

'Yon nga lang may nag-rereklamo ngunit wala silang magagawa. It's a rule for the game.

"So, shall we start?" Sabi ni Bene.
"Ok! Nakarating na lahat eh." Tugon ko naman.

Game 1: Bring Me A Thing by Group.

Paunahan na may maibitbit na bagay kung ano ang gusto ng game holder.

The game starts and I seat on a bench. Malayo-layo sa nagpapalaro. My only role is to monitor them. Baka kasi may mapano sa kanila. It's my responsible din nabantayan sila.

Napansin ko na nag-eenjoy ang lahat, maliban nalang kay Kyra. Ano kaya ang nangyari sa kanya sa naraang araw. Hindi ko na kasi siya masyadong nakakausap. Maliban nalang sa pag-set up ng games.

Nakakausap ko naman siya ngunit tipid lang siya kung rumesponde sa mga tanong at mga sinasabi ko habang nagkukwentuhan kasama si Bene.

Is there anything wrong with her?

Hayaan mo na nga siya, self? Baka may problema siya na hindi sinasabi sa'yo. I convinced myself para makapag-focus rito.

Sa aking pagmumuni-muni ay biglang sumulpot si Rein. He's trying to be closed to me. Nahahalata ko 'yon at napapa-flutter naman ako sa kanyang mga salita at galaw.
Kailan ko maitatago ang nararamdaman ko sa kanya. May pinahihiwatig kaya siya sa akin?

Siniko niya ako ng makaupo siya sa tabi ko at nagsalita..

"Kanina ka pa tulala ah. May iniisip ka?"

"Wala." Sabi ko habang tinitingnan ang nag-eenjoy na mga bagong kaibigan.

"Nag-eenjoy ka talaga na panuorin sila 'no?" Tanong nito sa 'kin habang tinitingnan rin ang mga naglalaro.

"Oo, naman syempre. Nakakatuwa nga sila eh."

Pagkasabi ko at nilingon siya. Ngayon ko lang napansin 'yong ngiti niya. Walang halong lungkot na bumabalot sa mga mata nito. Matangos 'yong ilong at  medyo singkit 'yong mata niya. Kaya maraming nagkakagusto nito sa campus. At hindi ko maitatanggi na isa na ako n'on.

"Bakit mo ba ako tinititigan?" Naalimpungatan naman ako sa tanong niya.

"Wala naman, may dumi ka sa mukha oh."

Sabi ko pagkatapos pinahid ang kamay ko na may kunting putik mula sa mga daliri ko.

"Ano ba Akkie, dinumihan mo naman ang napagwapo kung mukha."

"Ah, sooos! Nagmamayabang naman ito oh, akin na nga. Punasan ko."

"Haha, 'wag na ako nalang." Pagkasabi niya at biglang hinablot ang panyo na hawak-hawak ko.

Medyo nakaramdam ako ng chemistry ng magkalapit ang dalawang kamay namin. I think pangalawang beses na itong nangyari sa'kin na galing sa kanya.

Hinahablot lang naman kasi bigla itong kamay ko.
I know myself very well. Sensitive sa mga bagay-bagay. Baka naman guni-guni ko lang ito. Mas lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko sa kanya-- kay Rein.

Actually, the first game is over.

Bene is trying to be closed with Zeus. Ngunit 'yong mga mata ni Zeus ay nakatingin at nakasulyap lang sa 'kin. Sana hindi mahalata ni Bene. Ayokong masaktan siya na ang gusto niya ay may gustong iba. Sana mapatawad niya ako kung malaman man niya ang totoo.

Nagpatuloy pa rin ang palaro. Hindi talaga sila nauubusan ng enerhiya.

Maya-maya ay hindi na nakatiis si Zeus at pinuntahan niya ako rito. Umalis na din kasi si Rein dahil may bibilhin sa tindihan. Malapit lang dito sa beach.

"Hi Akkie." Unang pagbati niya sa akin at tsaka tumabi sa kinalalagyan ko.

"Hello, Zeus. Ba't andito ka, hindi ka naii-enjoy roon?"

"Paano naman ako mai-enjoy? eh, hindi ka sumasali sa palaro. Nagmo-monitor ka lang dito."

"Gano'n ba? Eh nai-enjoy lang kasi ako na tinatanaw kayo mula rito. Ang cute niyo ngang tingnan roon."

"Cute kami o ako lang?" He tried to tease me with his ego.

"Hahaha, wala akong sinabing ganyan. Ang hambog mo, hiyang-hiya ako oh." Inaasar ko naman siya habang pinipisil ang mukha ko sa harapan niya.

Natigilan lang ako ng dinikit niya bigla ang kanyang mukha sa 'kin. Sa palagay ko, dalawang inches ang pagitan nito.

Ano bang nasa isip nito? Nagkakatitigan kaming dalawa.

Iniwas at binawi niya ito ng napansin niyang may nakatayo sa harapan namin-- si Rein. Dumating na pala. Hindi ko rin namalayan hanggang tumikhim ito.

"Ehem.."

Tumikhim siya ng may halong selos at nakita ko din 'yon sa mga mata niya nang makalingon ako sa kanya. May expression din sa kanyang mukha na may pinahihiwatig na inis.

Chapter Epilogue

Third POV

"Akkie.. 'wag mo akong inisin sa mga ginagawa niyo ni Zeus, ngayong unang araw pa talaga ng bonding.. Kainis.." Bulong ni Bene habang tinitingnan nito ang dalawa mula sa malayo. Sa pwesto kung saan sila naglalaro.

"Kaya siguro nagdadalawang isip ka na gawin ang bagay na ito, sa simula. Sana hindi ako nagkamali sa iniisip ko, Akkie."

Hindi maintindihan ni Bene ang kanyang nararamdaman sa mga minutong iyon. Pilit niyang di-nistract ang sarili habang patuloy na nilalaro ang natirang games.

Break time.

Patuloy pa ring nararamdaman ang inggit habang kumakain ng mga inihandang meryenda sa bonding na iyon.
Para bang pinagsakluban ng langit at lupa ang kanyang paningin. Napansin naman iyon ni Kyra at kinausap siya.

"Bene, anong nangyari sa iyo? Ok ka lang?"

"Syempre, hindi ako okay, Kyra. Hindi ko pa pala nababanggit sa'yo."

"Ang alin, Bene."

"Na may gusto ako sa lalake."

"Sino?"

"S-si Zeus."

"Ha? Totoo? Sigurado ka?"

"Oo, mukha ba akong nagbibiro, ha?"

Pagsabi nito ay iniwan na niya si Kyra at nagpatuloy sa ginagawa na palaro.

White Rose's Note:
Thanks for reading guys. Sa nagtataka sa Chapter Epilogue, 'yan ang scene na karugdong at hindi pa nare-reveal sa whole scene ng Chapter o every Chapter. Kagaya sa mga TV Series na tinatawag nilang  Episode's Epilogue (Nakita ko ito sa mga Chinise Drama n'on)

Dream Together [The ONEIRO #1]Where stories live. Discover now