CHAPTER 13- Akkie Play with Zeus (A contest)

26 3 5
                                    

Akkiera's POV

"Oh, Zeus, ang aga mo naman dito."

Sabi ko sa kanya habang nakatayo pa siya sa labas ng gate namin.

"Wala ka bang balak papasukin ako sa bahay niyo?"

"Teka nga muna."

Tugon ko sa kanya na medyo nahiya pa.

Binuksan ko ang gate at dumiretso na kami sa bahay.

"Oh, may bisita pala ang alaga ko."

Sambat ni Aling Lita na may pangiti-ngiti pa.
Ano naman kaya ang nasa isip nito?

Nag-usap muna kami habang nagtitimpla ng juice ang katulong namin dito sa bahay.

"What do you think about the coming contest?"

Tanong niya ng naikabigla ko naman.

"Hmm, kinakabahan nga ako eh."

"Relax ka lang, tsaka, andito naman ako." Comfort niya sa akin habang tinatapik ang balikat ko. Parang tsinatsansingan lang ako nito. Bigla naman akong dumistansya ng konti.

"Oo nga siguro mawawala rin ito kapag nasa stage na."

Ngumiti na lamang ako pagkatapos ko 'yong bigkasin.

"Pasensya na kayo sa disturbo, natagalan pa 'yong pagtimpla ko."

"Okay lang Manang, ang bait niyo po eh, mukhang nagmana sa'yo si Akkiera."

"Hahaha. Talaga ba? Parang hindi naman."

Sambat ko nalang kay Zeus. Mukhang nambobola pa.

Matapos naming mag kwentihan ay in-im-vite niya ako na pumunta sa kanila para do'n na magpractice.

"Ma, Aalis ako may practice kasi."

Sabi ko sa mama ko habang abala naman sa kanyang ginagawa.

"Saan ba?"

"Sa amin po Tita."

Sabi naman ni Zeus na naikabigla naman ni Mama. Sumunod pala sa akin.

"Ah gano'n ba. Oh si‐‐ge.."

Kunwari pa ito na papayag. Halatang hindi naman.

"Sige Ma, salamat po."

"Ang curfew huwag kalimutan. Malilintikan ka sa akin."

Sigaw ni Mama habang kami ay papalayo sa kanya.

"Opo Ma, 'di ko makakalimutan."

Nakarating na rin kami sa kanila. Medyo madistansya rin ang kanilang lugar galing sa amin. Marami pa kaming inikot-ikot na daan buti nalang sanay ako. At ma-aircon pa sasakyan niya with his personal driver.

Nang hindi pa ako nakatapak sa kanilang malaking bahay ay kinakabahan na ako. Hindi kasi matawo at parang walang masyadong maingay o nag-iingay.

Solemn lang 'yong place nila.

Pagpasok namin ay dumiretso na kami sa practicing area. Ito ang room na ginagamit niya para maka-focus sa pagpapractice with his guitar, piano at kung ano ano pa ang meron sa loob. Specialty niya ang piano talaga. Naalala ko tuloy 'yong una naming pagkikita.

"Akkie, simulan na natin."

Tawag niya sa akin na kumuha ng atensyon ko.

"Oh sige."

I'm not a great singer but he said 'maganda raw ang boses ko' nahiya na naman ako sa tinuran niya.

We practiced the whole afternoon. Nagbreak din at nagkwentuhan. Hanggang sa hindi na namin namalayan 'yong oras. Mag-aalas syete na pala sa relo ko.

"Oh, uuwi ka na?"

Tanong niya sa akin, siguro napansin niya dahil tumingin ako sa relo ko.
"Oo eh, you knew naman."

"Sige ipahahatid nalang kita o pwede ring sabayan ko na si Manong driver."

"Ahm, 'wag na pwede mo naman ako ihatid do'n sa bus station."

He sighed.

"Hindi po pwede. Sige na ihatid ka na namin baka mapano ka pa sa daan."

Yumango na lamang ako bilang pagsang-ayon ko sa kanya.

Mag-aalas otso na, pagagalitan na naman ako nito.

Dumating na nga kami sa aming bahay. Hindi na rin siya pumasok at nagmamadali na ring bumalik.

"Ma, mahigit isang oras 'yong biyahe. Kaya natagalan po."

"Oh sha, 'wag ka na magpaliwanag. Buti inuwi ka pa rito ng Alcantarang 'yan."

"Oo naman, Ma. Tsaka mabait 'yon."

"Wag mo na ngang ipagtanggol."

Ano kaya ibig sabihin ni Mama? Nakapagtataka naman.

Ilang araw din kami nagpractice bago ang araw ng nasabing contest.

Since ako ang presidente ng Musical Club hindi pa rin bias ang pagsali ko. Pero may iilan na nagtataka bakit sumali ako and I can't explain them directly.

Hinayaan ko na lamang. Total, si Zeus naman ang nagyaya sa akin.

I saw Rein with his banda friends; Calvin, Luckii and JZ. Naalala ko tuloy sila no'ng sa bonding namin.

Tinawag na ng Emcee ang entry # namin.
Habang nasa stage na at nagpi-perform na kami ay nakita ko si Rein. Napansin ko na may kakaiba sa mga mata niya.

Parang may halong lungkot ang kanyang pagtitig sa akin. At sa akin lang talaga. Inis at selos naman habang tumatagal. Ibinaling ko na lamang ulit ang sarili sa partner ko na nagpi-piano.

Sa wakas natapos na rin ang performance namin ni Zeus. Manalo o matalo. Okay lang sa akin. Hindi ko alam kay Zeus. Basta sa akin masaya ako sa ginagawa ko, kahit hindi si Rein ang kasama ko.

Pero mas lalong masaya kung siya ang naging partner ko-- Rein.

Chapter Epilogue

Rein's POV

"Guys! Ano na? Hindi pa ba kayo pupunta?"
Sabi ko.

"Wait lang!" Tugon sa akin ni Calvin habang ang iba naman ay abala sa kanya-kanyang buhay.

Nandito na kami sa loob ng Lexzeus Atrium. Mukhang maaga kami ngayon ah.

Habang iniikot-ikot ko ang aking mga mata nakita ko si Akkie na kasama si Zeus.

Damn! I don't want to feel this. Ayaw kong magselos na wala namang dahilan.

The show contest started a few minutes. Dumagsa na rin ang mga estudyante. Maraming naghihiyawan at nagtitilian. Hindi naman iyon nawawala sa panahon ng ganitong event.

"Oh, Rein. Okay ka lang ba?" JZ asked habang sinisiko niya ako. Katabi ko sa right side ko.

"Oo naman. Bakit?"

"Halatang hindi naman." Sambat ni Luckii na katabi ko naman sa left side.

"Tumigil na nga kayo. 'Wag niyo nang guluhin si Rein." Ani ni Calvin sa mga muktol na kaibigan.

Buti nalang may nakakaintindi rin ng damdamin ko para kay Akkie. Yes, they knew about it. Hindi ko mapigilang ibahagi sa kanila kung ano ang nararamdaman ko para kay Akkiera Faith.

White Rose's Note:
At first, this story was a panster and now has a plot. [starting Chapter 12- Slow Update. Due to multiple stories I wrote this past few weeks, prioritize submitting entries on other platform like short stories/poems and wricon]








Dream Together [The ONEIRO #1]Where stories live. Discover now