CHAPTER 4- Akkie Meets Zeus Again

83 18 21
                                    

LEXZEUS ACADEMY

AKKIERA POV
Napakagandang tanawin ang masasalubong mo kapag nakapunta ka sa itaas ng gusali o rooftop nito. Ito ang pinakagusto ko'ng tambayan kapag gusto kong mapag-isa. Minsan kasama ko rin si Kyra. Pero bihira lang talaga. Ako 'yong tipong ayaw na ayaw na maraming tao ang nasa paligid ko. Minsan kasi mas naiintindihan ko ang sarili ko kapag ako lang. May mga panahon naman na gusto ko na may kausap. Kapag mag-isa ako tila ba'y may enerhiyang bumabalot sa'king kaloob-looban na galing sa Itaas - Ang Poong Maykapal.

Ang ganda talaga ng tanawin, nakakagaan ng pakiramdam at tila ba'y pumapabor sa'yo ang kalangitan. Mga huni ng ibon na kay sarap pakinggan. Mga ulap na nasa itaas ay parang mantel na tumatakip sa'yo upang ikaw ay hindi masyadong mainitan ng sikat ng araw. Mag-aAlas dose pa ng umaga dito na ako dumidiretso upang magsulat ng kanta at madalas dito na rin nananghalian.

Akala ko, ako lang ang mahilig bumisita sa rooftop. Nang lumipas ang ilang buwang pagpunta ko rito. Napansin at narinig ko na may lalaking tumutugtog ng instrumentong violin. Napakasarap pakinggan nito sa aking tainga. Tila ba'y mawawala ang mga problema't hinanaing mo kapag maririnig mo ang pagtimbre at paggalaw ng kanyang mga kamay sa hawak- hawak niyang instrumento. Ilang beses ko pa siyang pinagmamasdan hanggang sa nakaramdam na siya na may tumitingin sa kanya mula sa likuran. Hindi ako makapaniwala ng humarap na siya sa 'kin.

"Ikaw pala 'yan Zeus, kumusta nga pala?" Direkta at walang alinlangang tanong nito sa kanya. Habang nakatitig parin ako sa mga mata niya.

"Heto, Okay lang naman. Bago lang kasi ako nakarating uli dito sa Acad. kaya na miss ko rin ang tanawin rito." Ano kaya ibig sabihin niya? Nakapag-aral na kaya siya rito noon?

"Ah! Kaya pala! Kamusta na pala 'yong kapatid mo?" 'yung kapatid niyang ubod nang spoiled.

"Yon ba? She's great! Doing something she always want. Ganun na kasi siya lumaki." And he added, "Maiba nga tayo ng pag-uusapan. Why are you here and what are you doing here?" Sunod- sunod na katanungan nito sa 'kin.

"Ah Eh.. May pina-practice lang ako rito." Utal na utal na pagkakasabi ko kasi ayaw ko talagang e-share muna sa iba lalong- lalo na sa hindi ko masyadong kakilala.

"Aha.. I see.. So, are you done eating your lunch?"

"Yess". Matapos sabihin ay bigla kong naramdaman na kumukulo 'yong tiyan ko. Nabisto na.

"Sure ba talaga, eh may naririnig akong ingay galing sa bituka mo eh" Bahagyang nakangiti ito na parang bang nang-aasar. Tss..

"Oo na! Hindi ko pa kasi nagagalaw lunch ko!" Hiyang-hiya matapos kong sabihin.

"Ow it's okay! Can we eat our lunch together? At main cafeteria?"

The main cafeteria known as LZ's Snack Caffe for RK only. Iba talaga kapag mayamanin at sosyalin na mga estudyante. Bakit ba kasi kailangang i-separate? Nagmukha tuloy OP 'yung middle at low class society. Grrr

"Ah! Sure ka ba? Hindi kasi sanay pumupunta do'n. 'Lam muna, hindi rin ako nababagayyy.. "

"Nope! It's not like that. Hindi naman tayo pupunta do'n na kung ano lang ang gagawin. Kakain lang tayo. OK?"

"Okay.." Hindi na ako makatanggi dahil sa boses niya na napakalamig at sabay niyang inilapit ang kanyang mala-anghel na mukha sa 'kin, ilang inch lang ang pagitan nito. Kaloka!

Habang naglalakad patungong main cafe, maraming mga matang nakamasid sa 'ming dalawa. Kung meron man akong gustong i-wish sa oras na 'yon. Sana naging bula nalang ako na pwedeng mawala bigla..

Nakarating na kami sa LZ's Snack Caffe, marami parin ang nakamasid at nagbubulungan pa. Sana huminto naman ang oras at paligid. Haaay..

Umorder na siya ng makakain at ako naman ay humanap na ng mauupuan namin.

Dream Together [The ONEIRO #1]Where stories live. Discover now