CHAPTER 16- Our Heart's Confusion

49 2 0
                                    

Akkie's POV

Hindi ko pa rin maiwasan na mag-overthink sa nakita ko'ng video.

Totoo ka iyon? So ibig sabihin walang gusto sa akin si Rein. Kailangan ko na sigurong mag-move on. She convinced herself.

Move on?
Hindi naman naging kayo ah.

Tss..

10:08 Pm. Sleepy head.

---

6:01 Am.

Magbilis akong naligo at nag-ready sa aking pagpasok ngayon. Gaya ng aking nakagawain ay inayos ko ang aking buhok, may bangs ako at kulay pula naman ang aking ponytail.

Inayos ko rin ang isinuot kong uniforme na tingin ko'y bagay na bagay sa akin. Naglagay din ako ng kunting make up para hindi masyadong halata ang eye bags na tinamo ko kagabi dahil sa kakaiyak. Natawa na lamang ako sa aking sarili dahil naalala ko kasi 'yong iniisip ko kagabi na magmo-move on ako. Paano naman ako magmo-move eh wala namang salitang 'kami'?

Tuluyan na akong nagpaalam sa aming kasambahay, wala na kasi si Mama dahil mas maaga siyang nakaalis.

"Good morning, Kie. Ang ganda mo ngayon ah." Sabi ng seatmate ko.

"Goodmorning din, sa 'yo, Calvin. Thank you." May gumuhit na ngiti aa kanyang mga labi.

Nagsimula nang mag-discuss 'yong teacher namin. Medyo distract ako dahil sa katabi ko.

"Ano ba Calvin, 'wag ka ngang maingay d'yan. Mamaya na nga iyan." Ang kulit kasi.

"Class keep quiet!"

"Yes Ma'am!"

"Wag nga kayong mag-iingay sa klase ko." Ayan tuloy nainis ang guro namin. Buti nalang hindi kami napansin na kami ang maingay ni Calvin.

"Class dismissed." Matapos niyang sabihin iyon ay tumunog na rin ang bell. Maingay na nagsilabasan ang mga kaklase ko.

"Kie." Tawag sa akin ni Calvin.

"Oh, Calvin."

"Sorry kanina."

"Okay lang 'yon. Tsaka ikaw kasi 'wag kang maingay kapag andyan guro natin." I rebuked him.

"Oo na, it's my fault." He humbled himself.

"Ano ba kasi sasabihin mo sa akin?" I asked.

"Gusto kasi kitang isama."

"Saan naman?" Tanong ko na may pagtataka. Hindi siya sumagot at hinila ang braso ko.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko ulit habang tumatakbo sa corridor papuntang roof top.

"Maghintay ka lang." Hinihingal na nga kami.

"Teka nga lang, kapagod na eh." Habang ako ay nakayuko ay may tumambad sa harapan ko.

Pamilyar sa akin ang kanyang sapatos. Is that Rein? Paano nandito siya?

"Ehem.." Tumikhim ito ng malalim at iniangat ko naman ang aking ulo. Nagtama naman ang aming mga mata.

Agad akong tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Akkie, sandali." Pagpigil niya. Pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.

"Ano?" I asked.

"Bakit ka ba ganyan? 'Di ba magkaibigan naman tayo? Ba't mo ako iniiwasan?"

"Alam mo ang dami mong tanong. Ikaw kaya sumagot n'yan." Pagtatama ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dream Together [The ONEIRO #1]Where stories live. Discover now