CHAPTER 10- Lexxie's Plan to Hook Up Rein (Part 1)

25 5 14
                                    

THIRD P.O.V
"Akkie!" Tinawag ng mama niya habang naglilinis ng bahay.

"Ma?" Busy ulit sa pagko-compose ng kanta.

"May bisita ka."

"Sino?"

"Si Bene at Kyra." Hindi siya makapaniwala na dalawa bumisita sa kanya.

"Ayst. Ano ba 'yan. Ang aga niyo namang pumunta rito." She mumbled at them.

"Yan ba, pang- welcome sa 'min nag- effort kaya kami para pumunta rito, 'di ba Bene?"

"Of course, Kyra. Ikaw naman Akkiera Faith. Ba't ba bad mood ka ngayon? Nire-regla ka?" Nagtawanan silang tatlo.

"Hindi ah! Meron lang kasi akong binubuong kanta. Eh hanggang ngayon hindi ko pa nakukuha 'yung tamang tunog.

"Gano'n ba Besh, meron sana akong sasabihin sa'yo. Sana pakinggan mo 'ko."

"Ano ba 'yon?"

"Gusto ko sanang yayain maging partner ng project si Rein. Eh alam muna medyo may kabubuhan din ako. Pero hindi ko pa naman nasasabi sa kanya. Kaya nga hihingi ako ng permission sa'yo kasi nga, 'di ba crush mo 'yon?"

Nanlaki ang mga mata ni Akkie at Bene dahil sa narinig mula kay Kyra.

Ang epal talaga ni Kyra kahit kailan. Sa isip ni Bene.

"Alam mo Kyra, hindi ko siya boyfriend. Kaya go. Just ask him." May kunting lungkot sa kanyang mga mata. Pero hindi niya pinapahalata at ngumiti lang ito.

"Talaga Akkiera? Salamat! The best ka talaga!" Tuwang-tuwa ito habang niyayakap ang bestfriend.

Sinimangutan naman ni Bene si Akkie na nakaharap ito sa kanya habang kayakap si Kyra. Wala naman siyang magagawa dahil bestfriend niya 'yon. At kung meron naman siyang hilinging pabor nito ay agad naman siyang binibigyan kaya palitan lang sila ng mga request sa isa't-isa.

"Hindi kaya siya magagalit kapag tinext ko na hindi ako tutuloy? Nag-promise pa naman ako sa kanya tapos heto ako ngayon. At isa pa nagawa niya yung promise niya sa 'kin no'ng photoshoot. Ang unfair ko naman sa kanya. Haay. Hindi talaga 'to pwede pero naka-Oo na ako kay Kyra." She mumbled and sighed deeply in her room.

You received a new message from Rein.
Bakit mo kinansela pagiging partner natin sa Science Project?

You sent a reply to Rein.
Wala lang, tsaka may partner na kasi ako bago tayo naging partner. Pagsisinungalin nito kay Rein.

REIN'S P.O.V
Bakit nagbago isip niya? Nakakabadtrip naman oh. Siya gusto ko maging partner eh. Hindi si Kyra.

Hays.
Makapagtimpla nalang ng kape.

"Hindi paba aalis si mama ngayon? Wala ba s'yang pasok?"

"Oh, anak. Anong ginagawa mo rito?"

"Eh, may sasabihin lang ako, Ma."

"Ano?"

"May project kasi kaming gagawin kaya aalis muna ako."

"Okay, anak. Heto pera oh panggastos mo." Sabay lahad ng mga ito."

"Salamat Ma."

At mini-park inside the campus.

"Hi, Rein." Rinig ko sa aking mula sa aking likuran. Tinapik pa ako nito.

"Ow, Hi Kyra." I smiled uncomfortably.

"Oh, sa'n kaya tayo pwede pumwesto." Paghahanap niya ng pwede naming maupuan.

"Do'n nalang kaya tayo, Rein." Anyaya niya't sumunod nalang ako.

Bakit ba kasi? Hindi ko pa rin tanggap na hindi si Akkie ang kasama ko. Bad taming naman oh. At bakit andito sina Monica Mitch at mga kaibigan niya? Gagawa rin kaya sila ng project?

"Ang swerte naman ni Kyra, kasama niya si Rein". Bulong-bulongang rinig ko sa mga nakasalubong namin. Oh, I know. Kilala ako sa Lexzeus Academy pero hindi ko gustong pagtilian at pagchismisan lang ng mga tao o ng fans ko. I don't deserve to be praised with toxic society. May mahilig ding mam-bullies lalong-lalo na ang mga Elite students.

"Yuck! Rein? Hindi naman 'yan totoong sikat! Nagpapasikat lang, hahaha!" Ani ni Monica Mitch ng magkalapit na kami kasama mga tropa niya.

"Shut up stupid girl! Watch your words!" Biglang singit nang nasa likuran namin ni Kyra. Si Lexxie pala. Isa sa anak ng may ari ng School.

"Oh, hi Sissy long time no see." Tugon naman ni Alexa na kaibigan ni Monica. Si Shaira naman na walang pakialam at sumusulyap-sulyap na tumitingin sa kanyang salamin.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya." Peke at walang halong sense of sincerity na saad nito.

"Tara na nga Kyra, we need to do our project as quick as possible." Baritong salita ko sa kanya.

"OK, Rein". Tipid na respondi nito.

THIRD P.O.V
"Effective 'yung plano natin girl." Tuwang-tuwa na pagkakasabi ni Monica Mitch.
"Ang alin do'n, Monica? Galit nga 'yon eh." Sarkastikong sagot ni Lexxie.

"Huwag ka nang mainis Lex, at least na defend mo siya do'n sa part na 'yon."

"Kahit na, alam mo naman na may pagka-snob din yang si Rein. Very selective guy. At iyon ang nagustuhan ko sa kanya." Pagpapaliwanag nito sa kaibigan.

They are friends for a long time, bihira lang sila kung magkasama. Kaya walang ka-alam alam si Rein kung anuman ang relasyon nitong dalawa.

"Balang araw mapapansin niya rin ako." Ani ni Lexxie sa kaharap na mga kaibigan.

"Kunting tiis lang girl. Ganda mo kaya at mayaman pa. Walang binatbat sa'yo si Akkie". Wika naman ni Alexa na itinuon ang atensyon sa kaibigan matapos mag-post ng magagarang outfit sa social media. "Yan na post na  lahat."

"Sino bayang Akkie na 'yan?"

"Pasensya ka na girl hindi namin na ikwento agad sa'yo no'ng na video call tayo. Balak ko namang sabihin ang tungkol sa kanya". Ani naman ni Shaira na puro pampaganda lang sa sarili ang inaatupag.

"OK! Tell me about her."

"Ako na!" Pagsalo ni Monica.

"Go, Monica."

"Nakita mo naman 'yong kasama ni Rein 'di ba? Si Kyra iyon. Bestfriend ni Akkie. We can use her against Akkiera Faith Miranda."

"Naging close si Rein kay Akkie simula no'ng may banda sa lugar nila during the Big day. First time ko silang nakita na magkasama no'on looking for Kyra. Nalaman ko iyon dahil sinundan ko sila. Hindi ko na sasabihin why they look for Kyra at that time. After a couple of weeks, palagi na silang magkasama. At naging isa ring President ng Musical Club sa School na 'to. Siya lang naman ang nag-iisa mong karibal, Lexxie." Mahabang latanya ni Monica sa kanya.

"I see, mukhang cha-challenge ako nito ah."

"At isa pa, napansin ko rin ang kapatid mong si Zeus na magkasama sila sa LZ Snack Caffe. Kaya ako sa'yo pagsabihan mo yang twin brother mo."

"Marami pala akong gagawin. Hmp!"

"My only one rivalry". Sabi nito habang nakataas ang dalawang kilay at ikinurva ang mga labi.

Chapter Epilogue

"Wala kang ibang gagawin Kyra, sundin mo lang ipapagawa namin sa'yo."

"Alam ko, don't dare to tell Akkie what I'm going to do."

"Syempre naman, ano kami tanga, haha!"

"Shut up! I'm warning you!" Sarkastikong pagkakasabi ni Kyra.

"Alam naming magagalit ang parents mo kapag bumaba ang grades mo. Ito lang naman ang paraan para matulongan ka. Maraming magagawa si Lexxie para sa'yo. Kaya maging mabait ka sa 'min. Maliwanag?"

She nodded with disagreement within herself. Damn. She thought madly.
....
Authoress Note:
Thanks for sharing your thoughts about this chapter.

Dream Together [The ONEIRO #1]Where stories live. Discover now