CHAPTER 15- Convo of Rein's Band and Spoiled Brats

16 1 0
                                    

Third's POV

"Hey! What are you doing here?" Tanong ng mga lalake sa mga babaeng bagong dating habang sila'y nagpapractice.

"Manggugulo." One of the spoiled brats said.

"Ano?" Sabay tanong nila Calvin at Luckii.

"Joke.. kayo naman hindi mabiro. Hahaha."
Sabi naman ni Monica.

"Hindi ka nakakatuwa." Sambat naman ni JZ habang ito ay naglilinis ng kanyang instrumento sa loob ng dormitory space nila kung saan doon sila nagpaparactice.

"Oh, Hi JZ! Kamusta na pala si Kyra? Jowa mo siya, right?"

"Eh ano naman ngayon sa'yo?" Nakatingin ito na ng masama kay Monica.

"Wala lang, may gusto pa man sa'yo ang isa ko pang kaibigan, si Shaira."

"Hi JZ." Ani ni Shaira na nakakindat kay JZ.

"Ehem.. What's wrong with guys? Kung may gusto kayo sa kaibigan namin. Hindi kayo makakatikim sa kanya. Dadaan muna kayo sa aming tatlo. Hahaha." Sumbat naman ni Luckii na nagbibiro lamang.

"Tsk! Akala mo naman kung sinong ang gagwapo, tara na nga Monica!" Wika naman ni Alexa na kanina pa naiinis.

"Wait, Alexa. Masyado kang atat d'yan." Sambat ng kaibigan na si Shaira."

"Well, well, well.. Hindi naman kami magtatagal rito. Pinapalala lamang namin sa inyo kung pwede 'wag na kayong tumuloy sa pagbabanda niyo."

"At bakit?"

"Hmm hindi kayo mananalo sa susunod na contest, alam niyo ba. Matatalo rin kayo." Monica said.

"Umalis na nga kayo rito, wala kayong ambag sa amin. At pwede ba bawas-bawasan niyo naman ang mga dila niyo at pagpi-flirt sa amin." JZ answered angrily with calmness.

"Relax lang kayo. Heto naman oh, 'di kayo nabibiro at sobrang suplado."

"What's the matter? We don't need your approval or any acceptance. Kami lang naman 'to." Sabi naman ni Reinzo na nakabungad na sa kanilang harapan.

"Oh, ikaw pala, Rein. At least nagpakita ka rin sa amin. May mensahe rin kasi si Lexxie sa'yo. Sana 'wag mong tanggihan." Malumanay na pagkakasabi nito sa dulo.

Ano na naman ang pakay ng babaeng iyon, hindi ba siya titigil kakasunod sa 'kin? Napatanong si Rein sa kanyang isipan.

"Oh ano naman?" Tanong niya kay Monica.

"Pumunta ka raw sa Auditorium ng school bukas bago mag-uwian."

"Ano na naman?"

"Basta pumunta ka. Okay, bye!"

Daling-dali na lumakad papalayo ang mga spoiled brat na iyon.

Sobrang nagtataka naman si Rein kung ano ang pag-uusapan nila ni Lexxie.

Kinabukasan, bago mag-uwian ay hindi siya nabigo sa pagpunta roon kahit napipilitan lamang siya. Meron sana siyang gagawin with Akkie pero dahil nga kay Lexxie ipagpapabukas niya lamang.

"Oh, you're here, Rein. Thank you dahil hindi mo ako kayang tiisin." Hindi niya maintindihan anong ipinapahiwatig ni Lexxie, nagtataka tuloy siya at napatanong.

"Ano na naman 'yang pinagsasabi mo, Lexxie?"

"Hindi mo ba talaga ako napapansin? Well, sabihin nalang natin na may gusto ako sa'yo. Tatanggihan mo ba ako? Isa sa mga anak ng School na ito. Mayaman, maganda, sexy, pinagnanasaan ng mga boys dito. 'Di katulad ng natitipuhan mo!"

"Shut up Lexxie! You don't know about her."

"Well, ano pa nga ba ang maririnig ko sa 'yo. Siguro bulag ka lang sa Akkie na 'yan. Wala naman 'yang mararating sa buhay. And you know, my brother Zeus like her. At alam ko ring magugustuhan rin niya ang kapatid ko."

Dream Together [The ONEIRO #1]Where stories live. Discover now