Chapter 19: Preparation and Promises

605 24 14
                                    

Author's Note at the end of the chapter!!! PLEASE READ IT AND HOPE YOU UNDERSTAND KUNG BAKIT HINDI AKO AGAD NAKAUPDATE...

"Hoy! Ayusin mo nga!" Bulong ni Saich kay Jade pero halata ang diin sa bawat salitang sinasabi niya.

Jade just glared at him pero hindi na ito nagsalita pa.

Napabuntunghininga naman siya sa inakto nito. Kanina pa sila nagpaparactice sa pagsayaw at sa kasamaang palad ay ito pa ang napartner niya. Pero kanina na rin sila nagpapractice at ni hindi man lang siya kinikibo nito. Nakakapagtaka dahil sa natatandaan niya ay wala naman siyang ginawang kasalanan dito para bigyan siya nito ng cold treatment. Ngayon nga ay sinabihan na lang niya ito para lang tingnan siya. Tiningnan nga siya pero ni hindi man lang siya kinausap. Tinapunan lang siya ng isang tingin at balik na naman sa dati.

Ano ba ang ginawa ko? Naguguluhang tanong niya sa sarili.

He once again look at Jade and the girl just keep on dancing but still, keeping her gaze locked up in the ground as if may pinag-aaralan ito doon. Ni hindi man lang ito nag-aangat ng tingin para tumingin sa paligid nito. He himself knew na masyadong nakakangalay ang ginagawa nito pero ang babaeng ito na nasa harapan niya, being the stubborn that she is already ay wala man lang pakialam. Mas gugustuhin pa nitong makipagtitigan sa sahig keysa ang tingnan siya.

Napabuntung-hininga na lang siya.

"Seriously Jade, ano bang problema? Is this about the dancing routine natin? Look wala akong alam tungkol dito---" Pagpapaliwanag na niya pero agad ring natigil.

"Can you just please shut up?" Jade hissed at him. "Nahihilo ako at hindi ka nakakatulong! Kaya instead of bugging around, just please keep your mouth shut! That would be a great help." Sabi nito sa mahinang boses.

Hindi agad nagregister sa utak niya ang sinabi nito pero nang mangyari na ay napuno ng pag-aalala ang sistema niya.

Nahihilo ito and she keeps on looking at the floor which obviously is not helping!

Seriously, what is this girl thinking? Naitanong na lang niya sa sarili.

Walang sabi-sabing binuhat niya ito ala bridal style at inilabas sa practice room na ikinagulat ng lahat ng nasa loob.

"What are you doing?! Put me down!" Angil nito pero ni hindi niya ito pinakinggan. Nahihilo na nga pero ang lakas pa rin ng loob nitong mang-utos.

"No!" Mariin niyang sabi.

Pumikit ito sandali at parang pinapakalma ang sarili.

"Seriously Saich, put me down. Nahihilo talaga ako and you're definitely not helping. Dinagdagan mo pa ang hilo ko. Pakiramdam ko sinasayaw ako ng hangin and I know I will throw up soon so please put me down." Malumanay na nitong sabi pero halata pa rin ang panlalata nito which concerns him more. Nanghihina na ito pero nagmamatigas pa rin ng ulo.

"Just hold on okay? Malapit na tayo." Assurance niya dito. Ayaw niya itong bitiwan dahil sa boses pa lang nito, halata nang nanghihina ito, what more kung bibitawan niya pa? And besides, malapit na sila sa clinic ng building kaya kunti na lang ang titiisin nito.

"Anong nangyari?" Tanong ni Meliza na nasa tabi na pala niya. Ni hindi man lang niya ito namalayan kanina. At katabi nito si Buen na halata ring nag-aalala sa kalagayan ni Jade.

"She's sick." Sagot niya dito.

"Ano?!" Sabay na sabi ng dalawa.

He heard Jade groan inwardly. Ang akala niya ay nahihirapan na itong huminga kaya mas binilisan pa niya ang paglalakad pero natigil rin nang hinampas siya nito sa braso.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon