AUTHOR'S NOTE:
MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG BUMASA NG UNANG CHAPTER....
AT SA LAHAT NG NAGCOMMENT......THANK YOU RIN
SARANGHAEYO ARABON....FIGHTING!!!!
Si Buen po yang picture sa may gilid.... ---------------------------------------------------------------------->
_____________________________________________________________________________
Kasalukuyang nakatuon ang atensyon ni Saich sa daan. Kanina pa niya kasi sinusundan ang babaeng umiiyak kanina.
Sigurado akong kay Drake papunta to...
*flashback*
"Misis, nahuli na raw po ang suspek!!!! Puntahan na po natin!!!" Biglang pagsigaw ng pulis na kasama ng babaeng nasnatchan kanina.
"Ha?!! Nahuli na daw???!!! Sige, halika na!!" At agad sumakay sa police car ang babae.
Bakit naman kasi ang tigas ng ulo eh. Sinabi nang umalis ang dami pang satsat. At nagpahuli pa talaga sya ha!!! Sentimyento ni Saich.
*end of flashback*
Nahinto siya sa pag-iisip nang biglang huminto ang sinusundan niyang sasakyan sa tapat ng Quezon City Police Station. Agad bumaba ang babae kasama ang tatlong kasamahan nito at pumasok sa loob.
Bumaba na rin siya at sinundan ang mga ito sa loob. Nagtakip siya ng panyo sa kanyang mukha at nagpanggap na inuubo para di makita ang mukha niya. Hinanap niya kung saan nandoon si Drake.
Kasalukuyan siyang naghahanap nang may narinig siyang sigaw.
"Siya nga! Siya nga po!! Hoy ikaw!!! Saan niyo dinala ang pera ko?! Saan?!! Sumagot ka....!!!!" Sigaw ng babae.
Agad siyang tumakbo sa kinaroroonan ng sigawan at tumambad sa kanya ang nakakatawang itsura ni Drake. Kahit na nakashades ito, kitang-kita niya kung pano ito nalilito sa mga pinagsasabi ng mga tao sa paligid nito.
"Ahjumma, sandali lang po. Di ko po kayo maintindihan." Sabi ni Drake na sinasalag ang bawat hampas ng babae.
"Aba, eh foreigner pa pala ito eh." Saad ng isang pulis.
"Walanghiya ka...!!! Eh taga ibang bansa ka pa pala tapos ang lakas ng loob mong magnakaw?!! Ibalik niyo ang pera ko!!!" Sigaw ng babae na mukhang mas ikinagalit ang nalaman sabay hampas sa balikat ni Drake.
"Ah---aah---Aray---ahjumma, masakit po---aray!"
Di na masikmura ni Saich ang kanyang nakikita kaya nakisali na siya sa usapan.
"Sandali lang po."
Nagtinginan ang lahat sa kanya.
"Saich!" Bulalas ni Drake.
"Sino ka naman?" Tanong ng isang pulis.
"Pasensya na po, I think we have a misunderstanding here." Umpisa niya.
"Siguro kasama ka nito noh?" Tanong ng kasama ng pulis.
"What?! No...no...I mean....Yes! And that's why I'm here. This is all just a misunderstanding. Hindi magnanakaw ang kasama ko." Magulo niyang sagot. Mukhang pati ang mga nakikinig ay nalito rin sa sagot niya dahil ilang sandaling natahimik rin ang mga ito. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakabawi na ang biktima at mas tumalim pa ang tingin nito kay Drake pati na rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Secret K-Pop Agent (The Hidden Identity)
RomanceKapag sinabi bang K-Pop Star maarte at mayabang agad? Hindi ba pwedeng cover lang yan? Kapag sinabi bang babae mahina at mahinhin agad? Di ba pwedeng lie low muna? Lahat ba ng babae gene-generalize niyong mahina? Eh pano kung kayang-kaya kayong patu...