Author's note:
Hello sa lahat. Thanks sa mga bumasa, naglike, nagcomment at nagvote...Keep on supporting "My Secret K-Pop Agent (The Hidden Identity)"
Oh eto na ang Chapter 3. Hehehe... :)
Si Meliza yang nasa picture ---------------------------------------------------------->
_____________________________________________________________________________
"Hello? Asan ka ngayon?" Tanong ni Buen sa kaibigan. Agad siyang umalis ng police station matapos mailabas ang dalawang agent na napagkamalang magnanakaw kani-kanina lang.
Ang engot naman ng dalawang yun! Sa lahat ng pwedeng ibintang magnanakaw pa talaga! So lame! Naisip niya.
"Andito sa mall..." Sagot ng kaibigan niya.
"Ano? Bakit ka andyan?" Nagtataka niyang tanong. Mall?
Di ba pinapahanap ko si Jade sa isang to? Bakit sa mall ang bagsak nito?
"Hinihintay kita." Simpleng sagot nito.
"Andyan ba si Jade?" Tanong niya ulit. Siguraduhin lang talaga ng isang to na andun ang hinahanap niya kundi pepektusan talaga niya ito sa fallopian tube!
"Wala." Mabilis na sagot ng kausap niya.
"Di ba sabi ko hanapin mo?!" Unti-unti nang tumataas ang boses niya. Bakit ba kasi ang tigas ng bungo ni Meliza? Hindi ba nito maintindihan ang instruction niya kanina?
"Teka-teka. Bakit ako lang ang maghahanap? Eh di ba ikaw ang gustong pumilit na isama siya?" Pagdadahilan nito sa kanya. Well, may point naman ito pero hindi niya talaga maiwasang mainis sa babaeng ito. At talagang sumasagot pa ito sa kanya!
"Bakit? Ayaw mo bang kasama natin siya?" Balik tanong niya dito. Natigilan naman ang kausap niya sa kabilang linya. Halatang natamaan ito sa tanong niya.
"Hello? What a question! Of course not! She's our leader remember?" Pagpapaalala nito sa kanya. She just rolled her eyes. As if naman nakakalimutan niya. Kung minsan ang sarap lang talagang iuntog ang ulo ng babaeng kausap niya sa pader para matauhan.
"Eh bakit nga di mo siya hinahanap?!" Pasigaw na niyang tanong dito. She really want to practice restraining herself from shouting but this woman whom she's talking to make her futile attempt close to impossible.
"Hello? Ang hirap kaya niyang hanapin. Kilala mo naman yun. And besides, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap!" Well, may point naman ito doon. Mahirap nga naman hanapin ang taong ayaw magpahanap.
Pero kahit na! Kontra ng isip niya. If there's a will, there's a way! Pero kahit naman ata maraming way, sa klase ng pag-iisip ng kaibigan niya, medyo mahihirapan talaga siya.
"Hintayin mo ko papunta na ko dyan!" Utos na lang niya.
Sana naman kahit yun makuha na niya...
"Wait lang! Di mo man lang itatanong kung---" Di na niya pinatapos ang pagsasalita nito at pinatayan na lang ito ng tawag. Alam naman kasi niya ang itatanong nito. She just drew a long breath and started the engine. She just hope na walang ginawang kabalastugan ang kaibigan niya habang wala siya.
***
"Okay fine! Fine...! Tingnan lang natin kung sino ang magkandaugaga sa paghahanap...! Hmp!" Galit na sigaw ni Meliza nang babaan siya ni Buen ng tawag. Naiinis na talaga siya sa kaibigan! Kung kaibigan ba talagang matatawag ang samahan nila. Kasi kung titingnan ang definition ng salitang kaibigan sa dictionary, sigurado siyang hindi akma ang deskripsyon na makikita doon sa kung anong meron sila – especially silang dalawa ni Buen! But come to think of it...they're not that normal – pero kung pagbabasehan ang statement ni Jade – they are really not normal so yeah...maybe they can make an exception. Magkaibigan nga siguro sila. Magkapareho sila halos ng likaw ng bituka.
BINABASA MO ANG
My Secret K-Pop Agent (The Hidden Identity)
RomanceKapag sinabi bang K-Pop Star maarte at mayabang agad? Hindi ba pwedeng cover lang yan? Kapag sinabi bang babae mahina at mahinhin agad? Di ba pwedeng lie low muna? Lahat ba ng babae gene-generalize niyong mahina? Eh pano kung kayang-kaya kayong patu...