Chapter 11: The Show

815 27 25
                                    

Dedicated po to kay ate BlackLily kasi ang ganda-ganda ng story niya. Nakakainspire at very very nakakakilig po ang mga story niya. Ilang beses na rin akong napaiyak ng mga story niya mula sa How To Dethrone a Prince up to Tamadao Sia. Grabe ang iyak ko sa mga story'ng yan kaya idol na idol ko siya!

Try niyo ngang basahin, maiiyak rin kayo. Panigurado yan! Sulit na sulit sa time!

_____________________________________________________________________________

"You...W-What are you doing?" Sambit ni Jade sabay alis ng kamay ng tao sa likod niya.

Hindi sumagot ang kausap niya at pinagmasdan lang siya. Pagkaraan ay nagsalita ito.

"You know what? Hindi naman masama ang umiyak paminsan-minsan."

"A-Ano bang pinagsasabi mo? Sinong umiiyak?" Maang-maangan niya dito. Kampante siyang magsalita dahil alam naman niyang hindi siya nito naiintindihan. The guy just shrug his shoulders.

"Fine. You can deny it all you want." Sabi pa nito. "By the way...resume na practice niyo. 20 minutes is now over..." Imporma nito sa kanya at tumalikod na.

Nakatingin lang si Jade dito pagkaraan ay sumunod na rin.

~~~Sa Practice Room~~~

"Yes that's right...twist your arm a bit Buen...yes like that...okay that's good...and one, two, three go!" Kanina pa sila nakaresume sa practice at ngayon nga ay tinuturuan sila ni Ate Han ng mga moves ng kanta ni BoA. Hindi naman sila nahirapan pero hindi rin madali. Kanina pa sila nagpapractice at halos tagaktak na ang pawis nilang tatlo. Halos basa na rin ang mga damit nila kahit na nakafull ang aircon ng practice room.

"Okay that's it girls and in a count of three...and one, two, three up!" Turo pa rin nito. Sumusunod lang naman sila hanggang sa matapos ang kanta.

"Good job girls...you did a great job! Break muna kayo." Sabi ng trainer nila nang nakangiti ng matapos sila sa practice song nila. Agad silang napasalampak sa sahig sa sobrang pagod. Oo nga at sanay sila sa extraneous activity pero iba pa rin pala talaga pag baguhan ka pa. Tila nag-aadjust pa ang mga katawan nila.

Nasa ganun silang ayos nang biglang pumasok ang mga kagrupo nila pati na ang Ei8ht.

"Good morning everyone...hello mga noona. How's the practice?" Bating tanong ni Dylan sa kanila.

Napangiwi naman sila sa tinuran nito. Talagang pinanindigan nito ang pagtawag ng 'Noona' sa kanila.

"Tsk. Tibay mo rin noh? Di ka naman nahiya niyan?" Pamimilosopa ni Buen kay Dylan.

"Oo nga. Noona ka dyan. Tadyakan ko yang mukha mo eh." Pahabol pa ni Meliza.

"Ahhh...hehehe..." Yan na lang ang nasabi ni Dylan sabay peace sign.

"What brought you here? Tapos na ba practice niyo?" Tanong ni Ate Han sa mga lalaki.

"Kakatapos lang Ate. Dinalaw lang namin sila to see if they're doing good." Sagot ni Brent.

"They're doing great naman so far. Mabilis silang matuto at masisipag." Sabi naman ng trainer nila.

"Masipag? Really? Kaya pala nakaupo." Pahaging na naman ni Saich na nasa may sulok ng silid pumwesto.

Sinamaan lang niya ito ng tingin.

"HIndi pwedeng magpahinga?" Pagtataray niya dito.

Nasa mukha naman ng iba pang miyembro ng St8re na medyo naguguluhan ang mga ito.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon