Dedicated po sa kanya kasi sobrang ganda po kasi ng "HIS HIRED BABY MAKER" inaabangan ko po ang mga update niyan. Idol ko siya kaya sa kanya dedicated..
RED'S: MAY UD NA PO.
GUSTO KO LANG SABIHIN SA LAHAT NA NAGBIGAY AKO NG MGA CLUES SA CHAPTER NA ITO KAYA ARABON...READ BETWEEN THE LINES!!!
OH ITO NA...
HAPPY READING^______^
PICS NG LAHAT NG MEMBER NG EI8HT... ------------------------------------------------------------------------------->
_____________________________________________________________________________
Inis na inis pa rin si Jade. Kanina pa siya nakasakay sa kotse ni Saich at halos wala silang kibuan. Ikaw ba naman ang biglang tawagan ng Tito mo at tsaka sabihan na sa hinayupak na lalaking kasabay niya ngayon sasabay ay talaga namang nakakainit ng ulo. Tinawagan na lang niya si Buen para ipaalam na hindi siya makakasabay sa mga ito at may importante pang pinapagawa ang Chairman sa kanya. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa.
Ngayon ay kasalukuyan silang nakasakay sa sasakyan nito at kanina pa sila hindi nag-uusap. Kinakalikot lang kasi nito ang laptop nito habang komportableng nakaupo sa driver's seat . Siya naman ay nakaupo lang sa may back seat at tahimik na tumitingin sa paligid.
Maya-maya pa, narinig niya ang voice machine na nagsalita.
'We're now nearing to our destination. Do you wish to continually using automatic drive?'
Umayos naman ng upo si Saich at inilagay ang laptop sa tabi nito bago sumagot.
"No. Automatic drive deactivated."
'Demand verified. Automatic drive deactivated.' Sagot naman ng machine at hinawakan na ni Saich ang manibela. Pagkaraan ay pinasok nito ang sasakyan sa isang ekslusibong subdivision. Halata sa mga bahay dito na puro mayaman ang mga nakatira. Gusto niya sanang magtanong pero hindi na lang niya ginawa dahil alam niya na walang matinong sagot sa tanong niya kapag ito ang tinanong niya. Nagpatuloy lang siya sa pagmasid sa paligid hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malapasyong bahay. Kulay puti ang pintura ng bahay at maluwag ang bakuran. Kulay white rin ang kulay ng gate. Nang matapat na si Saich sa may monitor ng gate, pinindot lang nito ang open button na nasa sasakyan nito at agad umilaw ang monitor na naka-attach sa may gate ng bahay. Maya-maya pa ay bumukas na ang gate. Nang makapasok na sila, napansin niyang may garden rin ang bahay at swimming pool sa may gilid nito. Sa tantiya ni Jade ay meron itong more or less 5 floors kasama na ang secret lobby at secret hide out ng agents. Busy siya sa pagtingin-tingin sa paligid kaya medyo nagulat pa siya nang nagsalita si Saich.
"Tutunganga ka na lang ba dyan?" Tanong nito.
She then cleared her throat.
"Ano ba kasi ang ginagawa natin dito?" Tanong niya habang bumababa ng sasakyan.
"You'll soon know why." Sagot lang nito pagkatapos ay tumalikod na. Wala naman siyang magawa kundi ang sumunod dito dahil baka maligaw lang siya sa laki ng bahay.
Nang tuluyan na silang makapasok ay talagang namangha siya sa kanyang nakita. Ang ganda! Naibulalas niya sa kanyang isip. Modern palace ang disenyo ng bahay sa loob na halatang mamahalin ang lahat ng mga materyales na ginamit. Halata rin sa bahay ang mga modernong kagamitan at kung hindi siya nagkakamali ay halos lahat ng gamit dito ay pawang mga galing sa experiment department ng dalawang branch. May mga nakikita na rin kasi siyang mga ganitong gamit nang nasa Pilipinas pa siya pero hindi iyon ginagamit ng papa niya sa bahay nila dahil mas gusto daw nito ang may touch pa rin ng Korean culture kahit modern ang disenyo.
BINABASA MO ANG
My Secret K-Pop Agent (The Hidden Identity)
Storie d'amoreKapag sinabi bang K-Pop Star maarte at mayabang agad? Hindi ba pwedeng cover lang yan? Kapag sinabi bang babae mahina at mahinhin agad? Di ba pwedeng lie low muna? Lahat ba ng babae gene-generalize niyong mahina? Eh pano kung kayang-kaya kayong patu...