Red's:
COMMENT KO HA? WAG NIYONG IFORGET...
OKAY LANG SAKIN WALA MASYADONG VOTES BASTA ANG COMMENT KO WAG NIYONG KALIMUTAN..
OKAY NA SA KIN ANG TEN VOTES PER UPDATE..YUN LANG NAMAN ANG KAILANGAN KO EH...^___^
MAS MAAAPRECIATE KO KUNG MAY MARAMING COMMENT...
MARAMING SALAMAT! ^___^
____________________________________________________________________________
"YAH! Ang bagal niyo! Halinga kayo!" Sigaw ni Brent sa mga kasama nito. Kanina pa ito naghihintay sa mga ito. Nasa 27'th floor sila at kasalukuyang naghahanap sa room number na pinapahanap ng Chairman sa kanila.
"Hoy wag kang atat! Ang hirap kumawala sa mga nagwawalang fans sa labas. Muntik na nga akong maabutan eh. Teka...asan yung iba?" Tanong ni Xian na kararating lang. Kasama nito si Tyrone. Medyo magulo pa ang buhok ng dalawa na halatang nilipad ng hangin kanina.
"Malay ko. Akala ko ba kayo ang magkasama?" Balik-tanong ni Quiel dito.
"Huh? Eh si Tyrone lang ang kasama ko kanina di ba bro?"
"Oo."
"YOH! Whats up?"
"Oh ito na pala si Zeth eh!" Sabi ni Xian nang makita si Zeth na lumabas galing sa fire exit.
"Asan si bunsoy?" Tanong ni Quiel.
"Kanina nakita ko hinatak ni Drake palabas. Baka sila ang magkasama." Sagot naman ni Tyrone.
"Eh si Saich?" Tanong ulit ni Quiel.
"Ang dami mo namang tanong. Hanapin mo na nga lang yan!" Putol ni Brent sa mga sasabihin pa ni Quiel sabay bigay dito ng papel na naglalaman ng mga numero.
"Ano bang hahanapin?" May biglang nagtanong sa may di kalayuan.
"YHOW! Andyan na yung dalawa!" Imporma ni Zeth sa grupo.
"Drake! Wag kang bigla-biglang sumusulpot!" Gulat na turan ni Brent.
"Okay. Ano bang hahanapin?" Tanong ulit nito.
"Ang dakilang room number na 997, 998 at 999." Ani ni Tyrone.
"Madali lang yan. Magkasunod naman eh." Komento ni Drake.
"HYUNG! Mukhang ito na yun oh!" Sigaw ni Dylan sabay turo sa may pinto.
"Uie nakita nga ni bunso. Hanep! Wala pa ring kupas ah...." Masayang saad ni Quiel na ginulo pa ang buhok ni Dylan.
"Dun tayo bilis! 998 kami!" Sigaw nina Brent at Quiel.
"999 sa kin." Sabi naman ni Zeth.
"Okay. Drake kayo na diyan sa 997." Utos ni Brent.
"Okay."
*ding dong*
Halos sabay pa silang lahat nagbuzz.
"Walang tao?" Takang tanong ni Quiel.
"Ewan."
Tinignan nina Quiel sina Tyrone at yung iba. Hindi rin ito pinagbuksan ng kung sino man ang may-ari ng silid na iyon.
*ding dong*
Doorbell ulit nilang lahat.
"Wala talaga eh..." Pagsuko agad ni Tyrone.
BINABASA MO ANG
My Secret K-Pop Agent (The Hidden Identity)
RomantizmKapag sinabi bang K-Pop Star maarte at mayabang agad? Hindi ba pwedeng cover lang yan? Kapag sinabi bang babae mahina at mahinhin agad? Di ba pwedeng lie low muna? Lahat ba ng babae gene-generalize niyong mahina? Eh pano kung kayang-kaya kayong patu...