Masakit ang ulo niya nang magising kinabukasan. At yun ang pinagtataka niya. Bakit naman sasakit ang ulo niya kung hindi naman siya kasamang naglasing ng mga kasama niya kagabi? And then it dawned on her. Ang pagtatalo nila ni Saich. Ang pagwawalk out nito at ang aksidenteng pag-inom niya nang iniinom nitong Soju. Agad kumunot ang noo niya. Tiningnan niya ang kapaligiran at nang masigurong nasa silid niya siya ay nagtataka siyang napaisip. Kung nalasing siya kagabi, malamang dapat doon siya nakatulog sa kusina. Maliban na lang kung may naghatid sa kanya sa kwarto niya.
Agad niyang inalala ang mga nangyari pagkatapos ng aksidente niyang mainom ang Soju pero wala na siyang maalala pang iba. Everything comes in a blur. At kapag pinipilit naman niyang alalahanin, sumasakit lang lalo ang ulo niya. Minabuti na muna niyang bumangon at mag-ayos bago kinuha ang tablet sa may side table niya. Kung totoong nalasing siya kagabi at kung may naghatid man talaga sa kanya sa kwarto niya, malalaman din niya ito dahil may identity scanner ang bawat kwarto sa bahay na tinutuluyan niya at hindi basta-basta makakapasok ang kung sino kung hindi ito kasali sa authorized personnel na inputted sa program na siya mismo ang may gawa. Ganun na lang ang pagkunot ng kanyang noo nang makitang walang nakalagay doon. Ibig sabihin, walang ibang pumasok sa kwarto niya maliban sa kanya.
Nagtatakang ipinalibot niya ang tingin sa paligid. Wala namang nabago. Walang kahit anong palatandaan na may naglasing kagabi which gives her an additional question on her head. Bakit ganun na lang ang kanyang mga kaibigan makapagreact noong minsang nalasing siya kung hindi naman pala siya nagwawala? She’s under the impression that she’s really a handful when she’s drunk dahil na rin sa reaction ng mga kaibigan niya. Pero sa itsura ng kwarto niya ngayon, she wants to think otherwise. Maybe her friends are just overreacting.
Agad siyang lumabas ng kwarto para maghanap ng makakain sa kusina. Everything is unusually quiet which is good. Mukhang hindi pa nakakabalik ang Chairman at ang Tita niya mula sa bakasyon ng mga ito. Hindi pa rin bumabalik ang katulong kaya wala siyang ibang choice kundi maghanda ng kanyang makakain. Nang marating ang kusina ay agad siyang naghanap ng pwedeng maluto pero ganun na lang ang gulat niya nang makitang may pagkain nang nakahain sa lamesa at may sticky note pa itong kasama. Eat well. Yun lang ang nakalagay sa note. Agad tumaas ang kilay niya. Nagpunta ba dito ang mga kaibigan niya? Pero imposible. Hindi alam ng mga ito na kina Saich siya nakatira. Agad niyang naisip si Saich pero agad niyang binura ang posibilidad na ito nga ang naghanda ng mga pagkain. Imposibleng ang binata ang may gawa nito dahil kagabi lang ay magkagalit sila. Agad naman siyang nalungkot sa naisip. Nagkasagutan na naman sila ni Saich. Kailan ba darating ang panahon na magkakausap sila ng matagal nang hindi humahantong ang lahat sa sagutan? Mukhang hindi na mangyayari yun.
Napabuntung-hininga na lang siya. Baka may katulong na bumalik at naisipang maghanda ng makakain.
Agad siyang umupo sa upuan at inumpisahang kainin ang pagkaing nakahanda sa kanyang harapan at infairness, masarap ang pagkain. Medyo nakadama rin siya nang kaginhawaan nang inumin niya ang soup na kasama sa mga pagkain. Nang matapos ay agad niyang niligpit ang mga pinagkainan. Pagbalik niya sa kwarto ay agad siyang humiga ng kama. Walang nakaline up sa kanila ngayong araw kaya libre siyang mahiga buong araw. Mukhang wala rin naman si Saich sa bahay dahil wala ang kotse nito doon.
Nag-iisip pa siya kung ano ang magandang gawin nang biglang tumunog ang relong suot niya hudyat na kailangan sila sa main headquarters ng Sky Entertainment. Agad siyang nagmadali at kinuha ang mga kailangan niya bago lumabas at tinungo ang garage ng bahay. Nang makarating ay agad siyang sumakay sa kotse at pinasibad yun paalis. Sa secret tunnel siya dumaan para mas mapadali siyang makarating sa headquarters. Lahat ng bahay at area ng mga agents ay may secret tunnel na nakakabit sa mga bahay ng mga ito para mas mapadali ang pagpunta sa headquarters kapag may emergency pero hindi lahat ng mga agents ang pwedeng gumamit nito. Pawang mga elite agents lang at may authorized access ang pwedeng gumamit nito. May authorization rin kasing kailangan para mabuksan ang mga tunnel at tanging mga elite agents lang ang may alam kung paano ito buksan. Sa pagkakaalam niya, hindi lang sa mismong Seoul mayroon kundi meron rin sa ibang lugar.
BINABASA MO ANG
My Secret K-Pop Agent (The Hidden Identity)
RomantiekKapag sinabi bang K-Pop Star maarte at mayabang agad? Hindi ba pwedeng cover lang yan? Kapag sinabi bang babae mahina at mahinhin agad? Di ba pwedeng lie low muna? Lahat ba ng babae gene-generalize niyong mahina? Eh pano kung kayang-kaya kayong patu...