Chapter 16: The Deal

707 25 27
                                    

Red's: Dedicated to kay ate Idol kasi napakaganda ng BHO at THE CAMP series niya ^__^...siya yung idol ko pagdating sa mga actions at inspirasyon sa paggawa ng story ko...ate idol...salamat sa inspirasyon ^__^...sana po mabasa niyo rin po mga gawa ko...salamat po ulit ^__^

_____________________________________________________________________________

"Thank you...kuya." Napangiti naman bigla si Saich. Hindi niya lubos akalain na ganito pala ang mararamdaman niya. Fulfillment and joy was evident across his handsome face. For how many years, he had long for his sister to return. At ngayon nga ay nagbalik nga ito. Hindi man sa totoo niyang kapatid but somehow he had felt the same feeling sa katauhan ni Jade. Sa sobrang saya na kanyang nararamdaman ay paulit-ulit na nagreregister sa utak niya ang mga sinabi nito.

"Thank you...kuya."

"Thank you...kuya."

"Thank you...kuya---Saich."

"Thank---Saich---you...ku---Saich---ya."

"Thank you---Saich hoy!---kuya---Saich."

Unti-unti siyang napakunot noo.

Bakit bigla na lang lumabo ang mga sinabi ni Jade? Takang tanong niya sa isip.

"Thank you...kuya---Hoy Saich!"

Lalong napakunot ang noo niya. Bakit parang may disturbance na nangyayari? Ang linaw naman ng pagkakasabi ni Jade kanina. Pero bakit ngayon parang may epal?

"Thank you---Hoy Saich! HOY!!!"

Bakit parang may tumatawag sa kin?

"Ayaw mong gumising ah..."

"HOOOOOYYYYYYYYY!!!! GIIIIIIIISSSSSSSSSSIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!"

Agad-agad siyang napabangon dahil sa malakas na sigaw. Nagmamadaling tumakbo siya sa dining table nila at may pinindot na button sa ilalim at agad-agad kinuha ang baril na nakapaloob doon nang bumukas ang maliit na compartment. Pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo ulit siya pabalik at agad itinago si Jade sa kanyang likuran sabay sabi ng...

"Asan?! Asan ang magnanakaw?!" Sabi niya na nagpalinga-linga pa. Inilibot niya ang paningin sa paligid ngunit wala naman itong pinagkaiba. Ganun pa rin ang ayos ng mga gamit nila at higit sa lahat, walang palatandaan na may ibang nakapasok. Ni hindi nga tumunog ang warning device nila na palatandaan kapag may ibang taong sapilitang pumasok.

Nakarinig siya ng mahinang pagtawa sa likod niya at agad naman niya itong nilingon.

And right then and there. The great Jade Lianne Jae is laughing silently at his back. Obvious na obvious sa itsura nito na Jade's trying so hard not to burst out laughing.

"Pfffttttt!!!"

"Oh anong tinatawa-tawa mo dyan ha?" Tanong niya sa tonong naiinis.

"Ikaw! Hahaha!!!"

"Wag ka ngang tumawa! Batukan kita dyan eh." Naiinis pa rin niyang sabi.

"Eh sino ba kasing nagsabi na dyan ka matulog ha? Para kang tanga! May pangiti-ngiti ka pang nalalaman habang natutulog. Ano ka? Bata na hinihili ng guardian angel mo? Tingnan mo nga yang itsura mo! Dyan ka pa nagkalat. Pati sofa minantsahan mo! Ayusin mo yan!" Mahabang litanya ng kausap niya na itinuturo pa ang sofa kung saan siya nakaupo at nakatulog kanina.

"Tss...kung makasabi ng tanga wagas ah." Bulong niya habang tinitingnan ang kalat na ginawa niya. Tsaka lang niya napagtanto na nananaginip lang pala siya kanina. Akala niya totoong nangyari talaga iyon. It felt so real. At ang mas nakakatawa pa ay alam niya ang nararamdaman ng kausap niya sa panaginip niya. He knew what Jade is feeling at the moment in his dream at hindi lang ang kung ano ang nararamdaman niya. Pero kung pagbabasehan ang mga nangyari sa panaginip niya if he remember it right at sa totoong buhay, malabo nga talagang mangyari ang mga iyon. Sa mga away at patutsadahan pa lang na pinaggagagawa nilang dalawa sa loob ng ilang araw na pagkakakilala nila, sapat na sigurong sabihin na the things that had happened in his dream is way beyond the reality. Kung baga sa chances, remote.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon