Chapter 5

1.4K 35 9
                                    

Heto na ang Chapter 5 ^______^

Sa lahat ng nagvote at nagcomment MARAMING MARAMING SALAMAT!!! Mahal ko kayong lahat..

Saranghaeyo arabon... ^____^

Picture ng nawawalang ama ni Jade!!! Baka nakita niyo pakireport!!! ------------------------------------->

_____________________________________________________________________________

"Miss di ba talaga pwede?" Tanong ulit ni Meliza na panay ang pagpa-puppy dog eyes sa kausap. Kanina pa kasi sila nakatayo sa front desk ng hotel na kanilang tutuluyan pero sa di maipaliwanag na rason ay nagpapatigasan pa ito ng ulo sa officer na nakaassign. Siya naman ay kanina pa gustong mahiga at magpagulong-gulong sa kama dahil napagod talaga siya sa byahe nila. Pero itong kasama naman niya, mukhang nag-eenjoy pang kulitin ang front desk officer. Napipika na siya. Kapag hindi pa talaga tumigil si Meliza ay iiwanan na talaga niya ito.

"I'm sorry ma'am. But your company has already booked your room." Saad ng babae na halatang naiinis na dahil sa kakatanong ni Meliza.

"Hindi ba pwedeng ichange?" Pilit naman ulit ng kasama niya. Pang-ilang ulit na nitong tinanong iyon pero paulit-ulit lang rin naman ang nagiging sagot ng kausap nito. Hindi niya talaga maintindihan kay Meliza kung saan sa nabook na ang room nila ang hindi nito maintindihan. Nakakaintindi naman ito ng English pero kung umakto ito minsan ay mas bobo pa keysa sa stepmother niyang pinaglihi sa ipis.

"Yah! Kanina ka pa dito hanggang ngayon wala pa rin?!" Galit na niyang tanong dito.

"Eh kasi si ate eh. Miss sige na. Pleaseeeee..." At nagpuppy eyes na naman ito. She just sigh in irritation. Hopeless case na talaga ang kaibigan niya. Kung baga sa cancer, terminal na.

"Maam, it's against the rules and regulations of our company." Matyagang pagkausap pa rin ng front desk officer.

"Ganun? Rules and regulations agad? Di ba pwedeng guidelines muna?" Bulong naman ni Meliza na narinig naman niya. Kung hindi lang talaga nakakahiya ay kanina niya pa ito kinutusan!

"Eh sige na Miss. Ilipat niyo na lang. Magkatabing kwarto lang naman ang gusto namin eh."

"Maam, there's no vacant rooms anymore."

"Yun naman pala eh! Miss...!" At sinenyasan niya ang front desk officer na ibigay na sa kanya ang susi. Agad namang binigay ng babae ang mga card para sa suite nila. Kung kanina pa nito ito sinabi eh di sana kanina pa tapos ang usapan! Eng-eng rin naman pala ang isang to eh!

"Enjoy your stay here maam..."

Tango lang ang binigay niya at nauna na siyang maglakad.

Nakasunod naman sa kanya si Meliza na halatang nagtataka sa inasal niya.

"Teka! Hintay muna!" Pigil nito sa kanya. "Akala ko ba dapat tabi tayo?" Tanong nito pagkakuwan.

"Kaw lang naman ang may gusto nun ah!" Depensa niya. Nakita niya ang paglaki ng mata nito.

"Eh? Ako?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya at itinuro pa talaga ang sarili nito.

"Kung gusto mong makipagtalo pa dun sa front desk officer bahala ka. Basta ako, pagod ako. Gusto ko nang magpahinga." Paliwanag niya dito at pumasok na siya sa elevator.

"Teka! Teka! Ako rin!" Habol ni Meliza sa kanya. Habang naghihintay ay may naisip na kalokohan si Buen. Agad niyang itinago ang card ni Meliza na hawak niya at nagtanong.

"Saan ang card mo?"

"Huh? Card?" Nagtataka nitong tanong.

Ipinakita niya ang hawak niyang card at lihim na napangiti nang makitang nanlaki ang mga mata nito.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon