Chapter 12

24 1 0
                                    

Kinuha ko ang marker at nakapamaywang na nagsimulang gumuhit sa malawak na puting white board. May iilan ring akong katabi na kaniya kaniya ding gumuguhit. Sa tabi namin ay may freedom wall. I drew some tulips first, then I drew pikachu. Random lang, kumbaga. Nasa kilagitnaan ako nang pagdo-drawing ng bilog nito sa pisngi nang may maamoy akong pamilyar na pabango sa gilid ko.

"Bakit nandito ka na naman sa'kin?" salita ko nang hindi siya tinitignan.

Hindi siya sumagot at sinundot lang ang pisngi ko.

"Hindi mo naman 'to department, Mr. Von Primo."

"Nandito po ang nililigawan ko, Miss Shariah Maxianne."

Umangat ang kilay ko. I shaded Pikachu's ear on top before I gave him a side glance.

"Hahanapin ka na naman ni Max sa'kin. Lagi ka daw nawawala."

Sa tuwing hindi nila kasama si Primo ay sa'kin agad sila nagtatanong kung nasaan siya. Para bang basta kasama niya ako, wala siyang pake sa mga nagme-mensahe sa kaniya. Hindi niya napapansin na hinahanap na siya ng mga kaibigan niya.

"Who's that?"

I looked at him, slightly offended. He doesn't know Pikachu? O hindi lang maganda ang drawing ko?

"Si Pikachu?"

"Sino 'yun?"

Nilingon ko siya, nagtataka na.

"Best friend ni Ash?"

"Who's Ash?"

Tinagilid ko ang ulo. "'Yung sa pokemon."

"Oh... the cartoon?"

Tumango tango ako. Then I drew Rapunzel's friend, the horse. I also drew Olaf from Frozen. Mabilisan lang. Humagikgik ako, nasisiyahan.

They're not the main characters on the films, but they're quite my favorites.

Pumunta kami ng gymnasium pagkatapos para suportahan ang department niya na kasalukuyang naglalaro ng Volleyball Boys. Sakto namang nakita namin sina Yona at Seb na nandoon sa bleachers. Mapang asar ko silang nginitian habang naglalakad palapit sa kanila.

"Shai, tigilan mo," she warned me before I say a word.

Tinabihan ko siya at tumabi naman si Primo sa tabi ko. Sumandal agad ako sa upuan at nagkrus ng braso.

"Wala naman akong sinasabi."

"E 'yung mukha mo!"

Natawa na lang ako at nagpokus sa laro. Tahimik lang ako at hindi nakikisabay sa hiyawan kapag nakakapuntos ang mga manlalaro. Wala naman kasi akong kakilala sa naglalaro. I was casually spacing out when Yona nudged me on my arm.

Doon ko lang napansin na pinaglalaruan pala ni Primo ang dulo ng buhok ko. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil mukhang hindi naman niya 'yun namalayan.

"Volleyball Girls na daw bukas," aniya habang nakatingin sa phone. She's looking at the group chat of her section.

Sabay nga pala ang Basketball Boys at Volleyball Girls bukas. Sabi ni Max ay kasali siya sa maglalaro sa Engineering department.

Nakitingin ako sa phone niya.

"Wala daw masyadong sumali sa Department natin," paliwanag ni Seb.

"Okay lang 'yan. Nandyan naman si Yona e," kumento ko.

"Masyado naman yatang mataas ang tingin mo dito, Shariah. Baka pumalakpak ang tainga nito."

"Sige ah, kapag nanalo tayo, ililibre mo ako ng isang linggo. Deal?"

Look of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon