Chapter 15

32 2 0
                                    

Natigilan ako nang makita ko ang mga magulang ko na tahimik na nakaupo na sa hapag. Siguro ay ngayon pa lang sila kakain ng agahan at kami naman ni Max ay nakahanda na papasok. Mom was putting some jam on a bread while Dad was mixing his coffee.

"Mom, Dad, pasok na po kami..."

Napatingin sila sa'kin. Nauna na si Maximilian sa labas para painitin ang kaniyang sasakyan.

"Sure. Take care," Dad said. Mom only nodded at me.

Ngumuso ako at nagpasyang magtanong na.

"Okay lang po ba kayong dalawa?"

Napahinto sila sa kanilang ginagawa. Walang kumibo nang ilang segundo. Nagkatinginan lang sila.

"Of course, Maxianne. Don't mind us."

"Okay..." I whispered. Hindi ko na sila kinulit at lumabas na.

"Ang weird nila," sabi ko pagkasakay sa passenger seat.

"Hmm, napansin mo rin?" Maximilian said while turning the wheel.

"Their silence was too loud," nagkibit ako ng balikat.

"Yeah. Hayaan mo na sila, malalaki na sila," parang tanga niyang sagot. Napailing na lang ako.

"Tutugtog kayo ngayon, 'di ba?" paglilipat ko ng usapan.

"Yup. Maraming nagsa-suggest e."

"Magpa-practice pa kayo?"

"Maya maya pa."

Pagkarating ng eskwela ay pumunta na kami sa kanya kanyang destinasyon. As usual, I'm hanging out with Yona and Seb today. Nakatambay lang kami sa cafeteria namin kasi tinatamad kami maglakad. It's 3 p.m., and the sun's a little bit strong today. Nasa gitna kami ng tawanan nang naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Primo:

What are you doing today?

Ako:

Wala naman, kasama lang ulit si Yona at Seb.

Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi na siya nag-reply. Itatabi ko na ulit sana 'yung phone ko pero tumunog ulit iyon.

Primo:

I'm nervous.

Primo:

:(

I stare at his message longer than I intended to be. Cute. Ano ba ang tamang i-reply?

Ako:

Kaya mo 'yan!

"Hanap na kaya tayo ng magandang pwesto?"

I lifted my eyes back to Seb and nodded. Tumayo na kami at dumiretso sa field. Marami-rami na rin ang mga taong nag aabang. The spotlights were all set. Ang papalubog na araw ay agaw pansin na din at kanya kanya ang mga tao sa pagkuha ng litrato.

I saw Primo's instagram story. Picture iyon ng microphone stand at may mga music instruments sa background. He didn't put any caption but he typed the location which is the university.

I bit my lower lip and search for his name on my contact.

Ako:

Hello Primooo hehe

"Hmm?" I responded because Yona's talking to me but I'm preoccupied with what I'm typing. Nagtipa agad ako para sa susunod kong sasabihin.

Ako:

Look of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon