Chapter 29

43 2 0
                                    

"Where are you going?"

Nilingon ko siya at tumigil sa paglalakad. Alerto agad ang mga mata niya sa akin. He looks like an... obedient puppy who doesn't want to get lost without its owner.

"Magpapahangin."

"Sama ako."

Huh? But the reason why I'm going outside is him! Hindi kasi mapakali ang tibok ng puso ko! He must've sense the hesitation on me.

"I'm... worried about you."

"Huh? Why? I'm not drunk."

"I know. Still."

Hindi ako nakasagot. Tumango na lang ako at tumuloy na palabas. May iilang tao sa hamba ng pintuan. I made my way out, ignoring the stares I'm getting from guys. Sobrang dilim at tahimik ng parking lot.

Maghahanap na sana ako ng mauupuan nang magsalita siya.

"Shariah, I'm hungry."

All of a sudden?

My head turned to him slowly. Nagtaas ako ng kilay. What do you want me to do? It's already midnight.

May naaninag akong maliwanag sa hindi kalayuan. Bumaling ako doon. Umawang ang aking labi.

"Bago 'to?" satinig ko.

Wala namang 7/11 dito noong umalis ako.

"Samahan mo 'ko kumain..." aniya at nag iwas ng tingin. He touched his hair a bit and ruffled it.

Napatitig ako. Wait, is he... shy?

Pinigilan kong mapangiti.

"Is it alright for you to roam around this late at night? What if someone spotted you?"

Mas nag-aalala pa yata ako sa kaniya.

Nilabas niya ang phone niya. He typed something. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumango tango siya sa sarili.

"It's alright."

Nagtaas ako ng kilay. Now that I think about it, I want to have something too. Sinuksok ko ang kamay sa bulsa at nauna nang maglakad. Ilang segundo na ang lumilipas pero wala akong naramdamang sumunod sa akin. Huminto ako at pumihit paharap sa kaniya.

Naabutan ko siyang nakatitig lang sa'kin.

"I thought you said you're hungry?" I tilted my head and gestured the direction. "Tara na."

Nauna na akong tumawid dahil wala namang sasakyan. The road was empty and it's peacefully quiet. Nakasunod lang siya sa'kin noong una pero nakasabay din naman siya agad sa tabi ko. Nauna nyang abutin ang pinto. The chime made a sound when he entered. Nilingon niya ako, nakaalalay sa pinto. Gumala agad ang mga mata ko para pansinin kung may ibang tao sa loob.

"You should wear your hood on," bulong ko sa kaniya nang nilagpasan ko siya. Naiwan pa sa ilong ko ang pabango niya.

Sinalubong kami ng tugtog na nanggagaling sa speaker kaya napasulyap ako doon saglit. Nag libot libot muna ako para magtingin tingin ng mabibili. Ngumuso ako nang makita ang mga wine. Ah, it's been a while, my old friend. Napahinto ako sa harap ng mga soft drinks.

Napatitig ako sa coke in can. I used to drink that during my freshman year. I chuckled because of that thought. But for some reason, I didn't go for it. Nilagpasan ko iyon at dumiretso na lang sa gulp.

Kinuha ko ang cup na pangalawa sa pinakamalaki. Sa sobrang tahimik ng convenience store, rinig na rinig ang tunog ng yelo nang nagsalin ako. I stopped, conscious with the noise that I made.

Look of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon