Chapter 10

33 1 0
                                    

I licked my lower lip as my eyes roamed around the surroundings. I suddenly noticed some girls glancing at me. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

"Ako lang ba pero bakit parang pinagtitinginan ako?"

Napatingin din tuloy sila sa paligid. Biglang umayos ang upo si Seb. He suddenly moved his chair close to the two of us.

"Oo nga pala, Shariah. One time, may narinig ako," he snorted as if he remembered a bad memory.

"Ano 'yun?"

"I caught some of the girls on my class talking about how you're being flirty with your brother's friends."

"What?!" Yona reacted. She looks so offended on behalf of me.

"Huh? How come I'm being flirty? I treat them as my friends. They're nice to me."

"That's what I told them too," he said.

"Kailan pa naging flirty ang pagiging friendly?" umirap si Yona sa hangin.

Napanguso si Seb habang nakatingin kay Yona. I rolled my eyes because of the way he's staring at her.

"At as far as I know, isa lang naman doon ang kaharutan mo..." she grinned teasingly.

Namilog ang mga mata ko at agad siyang hinampas sa braso. Na-gets agad iyon ni Seb kaya natawa rin siya.

"Ang mahirap sa pagiging babae, kapag may tropang mga lalaki, ang tingin nila maharot na," dagdag pa ni Seb.

"Baka inggit lang sila kasi wala silang guy friends," gatong pa ni Yona.

"O baka inggit lang sila kasi si Shariah malapit sa mga crush nila, sila hindi," humalakhak ulit si Seb.

Nag high five silang dalawa. Ngumuso ako at natahimik, naglilibot pa rin ng tingin.

"Shai ko, don't mind them."

I smiled. "Well, nakaka-concious."

"You can't control people's opinions on you, anyway. Huwag mo na lang silang pansinin, Shariah."

I nodded slowly. Napipi ako sa gitna nilang dalawa habang naglalakad. Akbay ako ni Yona habang hawak naman ako sa bunbunan ni Seb. Pabalik na kami sa building namin dahil kakatapos lang namin mag-lunch.

Hindi pa naman oras para sa susunod na subject, kaya napagpasyahan naming maglakad lakad muna sa field para magpababa ng kinain.

Kinagat kagat ko ang straw ng zesto ko habang pinapakinggan silang magbangayan sa gilid ko.

"Paano mo naman nasabing nauna ang itlog kaysa sa manok? Tanga!"

Natawa ako sa kanilang pagtatalo. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko.

"E paano nagkaroon ng manok kung hindi muna siya nanggaling sa itlog? Hay nako, Maria!"

"Ano 'yun? Bigla na lang nagkaroon ng itlog? Out of nowhere?" Yona rolled her eyes. "Right, Shai?"

"Oo nga naman," pagsasakay ko. Syempre, kampi ako sa best friend ko.

"Ano 'yun? Bigla na lang nagkaroon ng manok? Out of nowhere? Right, Shariah?" he mimicked her.

"Oo nga naman din," sagot ko ulit.

Nakitaan ko ng nagbabadyang ngisi ang labi ni Seb.
He tried to speak but his words became muffled because of his chuckle. Umiling iling pa siya, talagang hindi na napigilan.

"Alam niyo, bagay kayong dalawa."

They both turned to me with their wide eyes.

"Why? I'm just stating my opinion," I grinned and look at Seb. He's got a shocked expression on his face, pero mukha din siyang natutuwa. Namumula naman si Yona.

Look of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon