Chapter 13

18 1 0
                                    

"Alin?"

"'Yun, Shai."

"'Yun?"

"Oo."

Napatango tango ako habang tinitignan ang tinuro niyang linya. Kapag lumagpas doon, out ang bola.

Tinuturuan niya ako sa mga rules ng volleyball. Alam ko naman iyon dati, pero ang bilis ko kasi makalimot.

Pumangalumbaba ako habang tamad na pinapanood ang kapatid kong mag-basketball. Nasa bandang kanan nakapwesto ang taga-CAFA habang sa bandang gitna ang mga taga-COE.

Papahikab na sana ako nang mapapitlag ako sa biglang paghiyaw ng mga tao. Napatingin ako sa court at nakita kong nakapuntos ang Engineering. Pumalpak ng malakas si Seb na para bang taga-COE siya. Kumunot ang noo namin ni Yona.

"Traydor!" tinuro turo niya ito. Napaatras ang ulo ko dahil pinagigitnaan nila ako.

"Kulelat na tayo, Maria! Hindi tayo mananalo sa mga taga-COE!"

"Kahit na! CAFA tayo, Sebastian!"

"Sorry na! Next time, CAFA na ichi-cheer ko."

Tinignan ko ang score. 42-34. Napatingin ako kay Max na nakadantay ang kamay sa magkabilang baywang, hinihingal. Halos madami ding puntos ang galing sa kaniya. Some of the girls here were obviously gawking at him. I can hear some murmurs on the surroundings talking about how goodlooking he is.

"Ang gwapo ni number 7!" sigaw ni Mike.

Malayo ang pwesto nilang tatlo. Nasa bandang harapan sila, hindi na nag abalang umupo sa kanilang mga designated seats para lang ma-cheer si Maximilian.

Natulala ulit ako at ni-review sa utak ko 'yung mga sinabi ni Yona. Ganito pala feeling ng may exam ka, pero hindi ka nakapag-review.

"COE din pala ang kalaban natin, Shai."

"Huh?" napalingon ako kay Yona. Saka ko lang napansin na katabi niya si Trish.

"Sumali ka, Shariah?"

Tumango ako. Bumaling ako sa court at nakitang patapos na ang laro.

Pumalakpak ako nang nakapuntos ang taga-COE. Yona gave me a side eye this time.

"I support our department but that's my brother out there," I smiled cutely.

College of Engineering won. As expected.

"Sa basketball lang sila panalo, pero tayo na sa volleyball."

Natawa ako.

"Nasaan sila? Tara."

Merong 2 hours break para sa lunchtime. Lumabas kami para makapag-practice. Nag usap usap din kami kung saan ang designated place namin.

"Since medyo malakas ang pulso ko, pwede ako magserve. Shariah, you know how to set, right?"

I nodded attentively.

"Sige, pwede kang setter. Tulungan kayo ni Yona. Carla, ikaw sa bandang likod. Libero, yeah?"

"Noted," sambit noong Carla.

"Kate, magagamit namin ang pagkatangkad mo. You will serve as our wall. Got it?"

"Roger, Trish."

Nagbigay kami ng tip sa isa't isa. Nag usap rin kami ni Yona. Nag-drill kami sa paglalaro para malaman namin ang flow ng isa't isa. We really synchronized our strength so that we can communicate better. Hindi namin namalayan ang oras. We just eat a few snacks so that our stomach won't be upset. Pagkatapos ay nagpalit na kami ng jersey namin kalaunan.

Look of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon