Chapter 22

39 2 0
                                    

Days passed and Primo really became busy with their training. Nababawasan na din ng paunti unti ang oras nila para sa paggi-gig. Hindi siya sanay, pero sinasabi ko naman na ayos lang ako basta mag-update siya sa'kin. I've been preoccupied with many things, too. Nakausap ko rin si Liam sa facetime at nagulat ako dahil ang una niyang tinanong ay kung alam ko na daw ba ang tungkol... doon.

"Oo, sinabi na sa'kin ni Mommy."

Nalukot ang mukha niya. "Mama has been bugging Tita Charlotte?"

Tumango ako.

Ilang saglit siyang nag isip.

"Damn. Why do women experience all the struggles just because they're women?"

I sighed.

Pagkatapos ng araw na 'yon, sa mismong school at pagkatapos ng klase ko, tinawagan agad ako ni Maximilian na may balak yata si Lola na mag set ng dinner para pag usapan ang tungkol sa... engagement ko. Isang linggo na silang nagti-training, at ngayon lang sila ulit tutugtog sa Tekilla. Nasa parking lot kami ngayon, hinihintay 'yung tatlo niyang kaibigan.

He sighed heavily. He's obviously worried for me. Ginaya ko ang kaniyang posisyon at humilig din sa kaniyang sasakyan. Both of our hands were on our pockets. Nanatili lang kaming nakatingin sa harap hanggang sa nakita ko na si Primo, Dave at Mike na naglalakad.

"Sinabi mo na sa kaniya?" tanong niya habang pareho naming pinagmamasdan ang kaniyang mga kaibigan.

"How am I supposed to tell him that my family wants me to marry someone else?"

Nagkatinginan agad kami ni Primo pagkatapos kong magsalita. His face automatically soften with just the sight of me. Kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

"I've seen the way he looks at you. We all notice it. Ivo's totally smitten. He's really... in love. I trust him... as my friend and as your man, Maxianne."

"I know."

Nakita kong bahagyang kumunot ang noo ni Primo sa bulungan naming magkapatid. Malapit na sila sa kinaroroonan namin kaya naman nagsalita ako agad.

"Gusto ko din siya... gustong gusto."

Higit pa. That's why... I'll do everything to return the love he's giving me.

"Damn it. You two are so..." bulong bulong niya.

Hindi na niya natuloy ang kaniyang komento dahil nakalapit na sila sa amin.

"Ang seryoso niyong magkapatid, ah?" biro ni Mike.

Napatingin tuloy ako kay Max at ganoon din siya sa'kin. Ngumisi siya at ako naman ay nagkibit lang ng balikat.

For the next days, they were slowly becoming busy. Nakikita ko pa rin naman sila sa campus, pero lahat ng mga libreng oras nila ay napupunta sa paghahabol ng mga requirements kaya naman hindi na ako lumalapit at nakikigulo pa. In the end, when I see them from a distance, I just stared at Primo for a good couple of seconds before I walked away.

Lahat ng oras niya, nilang apat, ay napupunta sa kanilang training. Their vocal training must've been consistent. The process of debuting a group must've been so tiring. Ramdam ko 'yon.

Sa gabi naman ay lagi kaming magka-facetime. But because he's tired, he's somewhat not on the best mood. I will always watch him fall asleep on the other side of the screen. At laging ang pangalan ko ang huling salitang binibitawan niya bago siya makatulog.

"Good night, baby... Shariah..." his voice was low and hoarse. Hindi ko alam kung nananaginip ba siya o gising pa din siya. Napangiti ako ng marahan.

Tuwing Sabado lang niya ako nahahatid, at pagkatapos noon ay didiretso na siya sa kanilang training. Pagkatapos ng klase ko ay madalas na akong bumibisita sa kaniyang condo. I would sometimes do my homeworks and even my plates there. Minsan, nanonood lang ako ng movie sa kaniyang sala at nagpapalipas ng oras doon.

Look of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon