Postface

46 2 0
                                    

Napakurap ako habang tinitignan ang batang babaeng nagtatago sa likod ni Mommy. Tinagilid ko ang aking ulo ngunit mas lalo lang siyang nagtago. Napanguso ako.

"Ambrose, it's okay. That's your Kuya Primo."

Ambrose. Like Mom's name, Primrose. Magkatunog. Is this fate?

She finally took a peek on me. She has short hair. She's quite... thin. Medyo morena, at hanggang dibdib ko lang ang kaniyang tangkad. Kumaway ako.

"Hi, Ambrose," sambit ko. "Call me Kuya from now on. Welcome home!"

Her tiny cheeks were so pink as she blinked. Mom chuckled at the sight of us while Dad tossled my hair.

I heard she's turning ten this year, so I'm three years older than her. Dad and Mom adopted her from the orphanage. Ang cute niya. At that time, I was so excited to the idea of me having a little sister. Lagi kasi akong nagrereklamo kay Mommy noon na nababagot ako mag-isa. Kaya naman tuwang tuwa ako nang ibinalita nila sa akin na magkakaroon ako ng kapatid na babae.

"Kuya!"

Napalingon agad ako sa kaniya. Kakauwi ko lang galing eskwela. Her pink dress was swaying as she run towards me. Hinawakan niya ang braso ko saka ako inalog-alog habang tumatalon. Natawa ako sa pagkaligalig niya.

"Laro tayo!" she beamed, smiling brightly.

"Sure. Anong gusto mong gawin?"

She held my hand. Ginalaw galaw pa niya iyon sa hangin. Alam ko na agad kung saan niya gustong pumunta.

The rose garden that Mom and Dad made for her. Her garden.

"Doon tayo sa swing!"

Hindi pa ako nagbibihis, pero ayos lang. Binaba ko lang ang bag ko sa sala. Hila hila niya ako patungo doon. Binabaybay namin ang maaliwalas na daan ng hardin. Papalubog na ang araw, at ang hangin ay masarap damhin.

Umupo siya sa swing kaya sumunod ako. Kasya naman kami doon kaya kapag gusto niyang mag-swing, gusto niyang isama ako lagi para tabi kami.

"Kumusta school mo, kuya?"

"Ayos lang. Pero hindi ko ma-gets 'yung assignment namin sa Math. Nakakalito kasi," pagkukwento ko.

Close na kami. I'm the older sibling, so I always reach out to her first. Sinikap ko talagang maging kumportable siya sa akin. She's homeschooled. I don't know her history, but I think she doesn't like interacting with people that much. Noong mga unang buwan niya dito, halos hindi ko din siya maka-kwentuhan. I get it, it's hard to make friends with her age. Mahiyain din kasi siya at tahimik lang talaga sa isang tabi. It took her a while to look at us in the eye and smiled. It took her a while to finally call me kuya. It took her a while... to open up to her new family.

Gusto kong siguraduhing matuto siyang humakbang patungo sa amin kung gusto niya man ng kausap. Ngayong ibinigay siya sa amin... pakiramdam ko, misyon ko na ang pagganap bilang nakakatanda niyang kapatid. Sasamahan siyang bumili ng candy, sasamahan siyang mabusog sa mga chocolates, at sasamahan siyang manood ng TV. Kahit anong gusto niya, pagbibigyan namin dahil bunso siya ng pamilya.

"Math? Hala! Mahirap talaga 'yun!"

"'Di ba?" tango ko.

"E mga friends mo?"

Tuloy tuloy lang ang kwentuhan namin. She's curious about everything in school, so I understand that she always asks.

"Pwede ka naman sumama kapag sinusundo ako, ah?"

Kuminang agad ang kaniyang mga mata. Ngumiti ako at ginulo ang kaniyang buhok.

"Okay! Sunduin din kita!"

Look of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon