Chapter 18

46 2 0
                                    

"Shariah, wake up."

Someone is waking me up. Hindi ko iyon pinansin at ipinagpatuloy pa ang tulog ko. It's cold. I want to sleep more. My ears welcomed a deep chuckle. I felt a hand caressing my hair too.

"You still have class this morning, Shariah."

Hindi ko sana iyon papansinin, pero napukaw ang atensyon ko sa salitang klase. I have class today? Wait, Sabado ba ngayon? Bakit parang hindi ko narinig ang alarm ko? O nag alarm ba ako?

Pikit mata kong kinapa ang gilid ko. Nahawakan ko kaagad ang aking phone at agad itong binuksan. My eyes squinted because of the brightness. Saturday, 7:08 am. I groaned internally. Nakakatamad naman.

I look at the person in front of me. I blinked until my vision is normal. I got confused because I saw my boyfriend sitting on the edge of my bed, inaantay na magkaroon ako ng wisyo. Kumunot ang noo ko sa pagkalito kung tama ba talagang nakaupo siya ngayon sa kama ko.

He chuckled again, amused by something.

Nag inat ako ng braso at bumangon para umupo.

"Hey," I said huskily as I rubbed my eyes. Hindi ko inasahan na siya ang unang bubungad sa'kin paggising ko. Madalas kasi ay sa baba lang siya naghihintay at ito ang unang beses na pumasok siya sa kwarto ko.

"Shaun let me in your room, by the way. He told me I can wake you up."

Oh, Max let him in my room? Tumango ako habang humihikab. I felt him closing our distance to kiss the top of my head.

"Good morning, baby," he whispered and pinched my cheek, and it stayed there for a bit longer. Hindi ako umangal at hinayaan lang siya. Ang talukap ng mga mata ko ay kusa pa ring bumibigat. Nakatulala lang ako sa hangin at walang reaksyon.

"Did you stay up late watching movies again?"

Umiling lang ako.

Pinasadahan ko ng daliri ang buhok at natulala pa ng ilang segundo. Tinitigan ko ang kamay niyang tinatapik tapik and hita kong natatabunan pa rin ng kumot. He's making me more sleepy. Humikab pa ako ng isang beses.

"Maliligo lang ako..."

"Okay. I'll be downstairs."

Tumango ako. Kinurot niya ulit ang pisngi ko. I lifted my sleepy eyes on him. He licked his lips before he stood up. Pagkalabas niya sa kwarto ko ay siyang pagbangon ko para ayusin ang kama at makapaghanda na ngayong umaga.

I kept yawning all throughout our ride. Traffic ang byahe sa hindi malamang dahilan. Nakasandal lang ang ulo ko sa headrest, nakatitig sa stoplight. It's a little bit cloudy too. I wonder if it's going to rain later?

Napansin kong tahimik rin siya, siguro ay dahil maaga pa. Hawak niya nang magaan ang kamay ko. Umandar rin naman agad ang daloy ng trapiko. Ilang minuto lang ang lumipas bago kami nakarating.

Tumingala ako para tignan ang kalangitan. It's a little bit darker now. The wind feels a bit cold. Wala na ang anino ng araw. Kumaway ako sa kaniya nang ibinaba niya ang bintana. Dahil sa takot na baka maabutan ng ulan ay umamba akong tatakbo, at ang mariing titig niya ang huli kong nakita bago ako tumalikod at tuluyan siyang iniwan para umabante sa dapat kong puntahan.

Pagpasok ko ay saktong pumatak ang tulo ng ulan. Umabot ng halos isa at kalahating oras ang klase ko, at tuloy tuloy rin ang ulan sa mga oras na 'yon.

Ambon na lang ang natitira noong natapos ang klase ko. Ngumuso ako at nagbukas ng payong saka dumiretso sa parking lot para hintayin si Primo.

Dahan dahan ang lakad ko dahil basa ang sahig. Diretso ang lakad ko sa parking lot para hintayin siya. Kumunot ang noo ko dahil natagpuan ko siya sa labas ng kaniyang sasakyan, nakatingala at sinasalubong ang ambon. Kanina pa ba siya nandito?

Look of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon