Epilogue

122 4 1
                                    

She's so pretty.

I started seeing her way more often. Minsan, kasabay pa namin siyang kumain kapag sakto ang labas ng breaktime namin at nasa mood siyang sumama sa amin. Oftentimes, she's with her best friend, Yona. Nakikita ko siya tuwing P.E. nila. I always see her friend chatting around endlessly while Shariah is just attentively listening to her beside her.

"Si Shaun?" takang tanong ni Dave dahil kaming tatlo pa lang ang na-dismissed.

"Ewan, baka i-dismissed na din siya maya-maya."

Nakatambay pa din kami sa hallway sa ground floor, sa mismong harap ng room ni Shaun. Nagkayayaan kasi ulit na tumambay sa kanila. Nakagilid kami dahil sa dami nang estudyanteng pauwi na.

"Uy, tignan niyo, oh."

Napabaling kami sa tinuturo ni Mike. We saw a commotion inside the room. Nakita pa namin si Shaun na may kausap na lalaki. Wala namang away, pero nakakapagtaka kasi mahahalata mo agad na may tensyon.

"Anong mayroon? Suntukan?"

"Nasaan dyan ang suntukan? Malabo ba mata mo?" Mike rebutted.

Napailing agad ako sa sinabi ni Dave. Why does he look thrilled about the idea of having fistfights? Sira ulo talaga.

Naalerto kami dahil hinawakan noong lalaki si Shaun sa kwelyo. Kumunot ang noo ko. What's going on?

"Hello, guys. Si Max?"

Napabaling agad ako nang may nagsalitang babae. Hindi ko napansin na nasa tabi na namin siya, at mismong katabi ko pa. She smells like a sweet scented paper. Bakit ang bango niya pa din kahit patapos na ang araw?

Minsan lang siya magawi dito dahil sa kabilang building pa ang Arts and Design Track at GAS, samantalang magkatabi naman ang building ng STEM at ABM. May hawak siyang coke in can. Bahagya akong ngumuso.

"Ayun," turo ni Mike.

Napalingon siya doon. May grupo ng estudyante na dumaan dahilan para gumilid pa siya patabi sa akin. Now she's completely beside me. Kaunti na lang ay magdidikit na ang braso ko sa balikat niya.

"Anong nangyayari? Kanina pa ba 'yan?" aniya.

"Ngayon ngayon lang din."

Kumunot ang noo niya at napainom sa dala niyang soft drinks. Some boys kept on looking at her when they're passing by.

"Should we stop him?" tanong ulit ni Mike.

"Huwag na siguro, hindi 'yan lalala," aniya at nagkibit balikat.

"Talaga? Paano mo nasabi?"

"He doesn't do cheap flights," she mumbled.

She's not showing any anxiousness on her face. Hindi siya mukhang galit o iritado. Na para bang normal lang sa kaniya ang ganoong ekspresyon. I can still see the gentleness on her orbs. I have never seen such dark brown eyes like hers. Pink lips that's shape like a bow. Pointed nose. Jet black locks. And a porcelain skin.

She really knows her brother so well. Alam na alam niya ang takbo ng utak ni Shaun.

Maya maya pa at nakita naming tinulak 'nung lalaki si Shaun ng malakas. Umabante si Shaun, madilim na ang ekspresyon. Mike and Dave hissed from the scene. I blinked when I saw Shariah taking a step without a second thought. By instinct, I followed her.

Diretso siya sa pinto ng room at huminto doon, hindi pumasok nang tuluyan. Inuntog niya ang lata sa pinto kaya lumikha iyon ng ingay. I almost flinched with its sound. Ang sakit kasi sa tainga ng tunog. Napatingin lahat nang nasa loob sa amin, pati si Shaun.

Look of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon