Chapter Eight

249 18 0
                                    

Owy's POV

Nagshoot na kami. Hindi ko aakalaing magiging model ex ko. At first awkward yung pagtetake ng pictures kasi nga nagkakatinginan kami.

Wala talaga akong sinabihan tungkol samin. Minsan lang kami lumabas ni Mine pero sinusulit ko talaga yun. Nung sobrang labo na namin naghanap ako ng iba. Actually mas gusto ko talaga si Sarah pero ayaw niya pa raw. Ang hirap pala magtwo time, grabe yung karma.

Naghiwalay kami ni Jasmine tapos after a month, naghiwalay din kami ni Sarah. Nagsisi ako sa lahat ng ginawa ko kaya nagbago ako.

Inayos ko na buhay ko at ngayon, magpipitong buwan na kami ni Jenelle.

Ngayon nakaupo lang ako kasi nagpapapic sila kay Jasmine. Mamaya pa raw turn ko, una una nga si kuya ee.

"Last na si Owy. Baka magselos girlfriend niyan ee." Sabi ni Cav.

"Ako na mauuna ah." Sabi ni Kuya.

"Ako next!!" Dagdag ni Ranz.

"Kalma boys. Hahaha" nagtawanan kami sa sinabi ni Drew.

"After nito pwede ba kaming magbreak? Medyo maiinit na ee." Sabi ni Jasmine.

"Sge mga 5 tayo magcocontinue, okay lang ba?"

"Okay lang sakin." Sabi ni Biboy.

"7 pa yung dinner diba?" Tanong ko.

"Opo, 7 pa." Sagot ni Jasmine.

Jasmine's POV

Ang saya nung shoot. Nagtatawanan lang kami nila Oliver. Ang kulit nila Ranz hahaha.

"Selfie tayo Jassy." Tas kinuha agad ni Ranz yung phone niya. Nagsmile naman ako.

Katuwa naman. Hihi.

Ang cool ni Cav. Funny rin hahaha. Nonstop pa rin yung pagtthank you ko sa kanya.

We decided to go down tas pumunta na lang ako sa spa ng yacht.

"You're here." Nandito pala yung kambal.

"Dont worry wala kaming balak gawin sayo." Pumasok na ako at umupo.

"Ano po sa inyo queen?" Tanong ni Aira yung incharge sa parlor... Yun yung nakalagay sa tag niya.

"Footspa and pedicure." Sagot ko.

"Alex, good thing kinausap ni daddy yung boss dito noh para makasali tayo."

"Actually twin, Kasama na naman daw talaga tayo kasi sinadya ni daddy na irelease yung billboard ng clothing line natin sa day ng pagpili."

"Goddesses, inyo po yung A&A?" Tanong ni Aira habang inaayos yung mga nail polish. Si Aira ata yung head nitong parlor.

"Yes. Ikaw jassy, bat ka kaya napili?" Tanong ni Andrea.

"Hindi ko talaga alam.."

"Are you joking? Pwede ba yun? Hahahaha" hindi naniniwala si Alex ee.

"I dont really know kung pano, nakatanggap lang ako ng sulat." Pageexplain ko.

"Of course lahat tayo binigyan ng sulat. Duh." Nakakaasar talaga si Andrea ah.

"Hahahaha true sis." Sagot ni Alex.

Tumahimik na lang ako at nagdaldalan lang silang dalawa.

After ng spa and pedi, pumunta ako sa kwarto ko.

"Hey jassy. Nagkekwentuhan lang kami dito. Join ka." Pagaaya ni Bethany.

"Sure hihi teka lang. Magbibihis lang ako ng comfy na clothes."

Nagbihis ako ng floral shorts and croptop. Inayos ko rin yung bag ko. Gusto kong magdala ng bag later para sa dinner.

"Ako, sumasali ako sa mga contests tas nanalo ako isang beses.. Nagsunod sunod na." Sabi ni Lynde.

"Well my mom pushes me na magartista pero ayoko ko kaya nagmodeling na lang." Dagdag ni Nadene.

"Ikaw ba?" Tanong ni Bethany sa akin.

"Funshoots lang talaga with my best friend tapos kinukuha minsan ng companies. Nakikita din kasi ako sa restaurant namin so ayun. May mga sponsors din sa facebook and instagram ko kaya napropromote."

"Nice naman. Likas na ganda kasi." Sabi ni Lynde at nagsmile na lang ako.

Nagkwentuhan kami saglit tapos nagdecide na akong umalis.

"I need to go girls. Thank you sa time. See you sa dinner later."

Lumabas na ako at umakyat na sa top deck para sa last layout ni Drew.

Stuck Sayo - ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon