Chapter Thirteen

237 17 3
                                        

Jasmine's POV

Buti na lang at maliwanag ang buwan ngayon.

Medyo malayo na kami sa kanila.

Umupo kami sa sand at natatamaan yung paa namin ng tubig sa dagat.

"Pasensya na sa mga tropa ko ah. Sobrang nabigla lang rin talaga si Cav kasi nga ganito yung nangyari satin."

"Nararamdaman ko rin naman yun." Sagot ko. Nakakabad mood lang talaga lahat ng mga pangyayari.

"Ako na mismo humihingi ng despensa. This is God's plan. For sure may reason lahat to." Pagsesermon ni Owy. Reason para mahalin ulit kita? Destiny ba na magkita tayo ulit, mine?

Oo, mine yung tawagan namin.. DATI.

Hindi pa rin talaga nawawala yung pagmamahal ko kay Owy. Matagal kaming di nagkita at akala ko wala na pero dahil sa mga pangyayaring ito mukhang narealize ko na siya pa rin talaga...

"Reason na ano? Magkabalikan tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba napapansin ang mga ginagawa sayo ni Kuya at Ranz?" Hindi niya sinagot yung tanong ko.

"Nafafall na si Kuya at Ranz sayo. Wala akong makitang dahilan para tigilan sila kasi alam ko na mabuti kang tao." Natahimik ako sa sinabi niya.

"Sa totoo lang ayaw ko na magustuhan mo si kuya.." Kasi mahal mo pa rin ako? May konting saya akong naramdaman.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi takot ako na masaktan ka rin niya tulad ng nagawa ko." Bumalik lahat ng sakit..

Tutulo na ata yung luha ko.

"Im praying na sana iba na lang.." Dagdag niya.

"Wala naman akong gusto sa kanila.. Ikaw pa rin naman.." Pag amin ko.

"Oo, may something pa rin talaga sa puso ko na gusto kang alagaan at ayaw na ayaw na kitang saktan ulit.." Tumahimik lang ako at tumingin sa langit.

"Pero I dont want to make the same mistake again. Mahal ko si Jenelle at wala akong balak na saktan siya." May kinuha si Owy sa bulsa niya.

"Balak ko nang magpropose kay Jenelle pagbalik ko. Kung di ako makabalik, siya pa rin talaga.." Tumulo na yung luha ko sa mga sinabi ni Owy.

"Ang bata bata pa natin. Pwede pa magbago ang lahat." Kahit may luhang pumatak sa mata ko, hindi ko pinahalata sa boses ko na umiiyak ako.

"Nagbago na ako, Jasmine.. Hindi na ako yung dating Owy na minahal mo at mahal ka." Ang sakit... Ang sakit sakit..

"Alam mo bang parang inulit mo lang yung ginawa mo sakin dati? This time, mas masakit. Hahaha" umiiyak na talaga ako. Tinatry ko lang talagang itawa lahat ng sakit.

"Sorry.. May tinakda si God na para sayo at hindi ako yun." Hindi ko na kaya. Nagbreakdown na talaga ako. Iniyak ko na lahat.

Niyakap niya ako. Gusto kong makawala sa mga yakap niya pero iba yung sigaw ng puso ko.

"Tingnan mo yung star na yun." Inangat ko yung ulo ko at tumingin sa taas.

"Tingnan mo lang yan palagi habang hinihintay mo yung para talaga sayo." Whats the point?

"Kapag hindi mo na yan tinitignan, ibig sabihin masaya ka na. Masaya ka na sa iba at dyan mo ibabaon lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa pagmahal na binigay mo saakin." Humina na yung boses niya at nakikita ko na may luhang tumulo.

"I know ngayon mahirap at masakit. Magiging worth it yan, just trust God."

"Ang gusto ko sana na maging friends tayo. Hindi man ngayon pero sana in the future. Hindi ko kasi kayang mawalan ng kaibigan na tulad mo." Tumahimik na lang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Alam mo yung masakit? Hanggang kaibigan na lang talaga...

Stuck Sayo - ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon