Oliver's POV (Chicser)
Naiwan kami ni Jasmine.. Di ko talaga alam ano una kong sasabihin nung wala na sila.
Nawala yung sakit na nararamdaman ko sa paa ko nung hinawakan niya ako.
Tuwing nakikita ko yung dugo, mangiyakngiyak na talaga ako sa sakit.
"Thank you ah." Sabi ko
"Para saan?"
"Sa pagsama sakin dito at sa paggamot mo neto."
"Wala yun. Wag mo na hawakan yan." Napangiti ko siyaaaa.
Okay lang na mastuck sa island basta kasama ko siya.
Crush ko na siya. This is real. Hindi ko hahayaang makascore si Ranz sa kanya.
Tumahimik na naman yung paligid at magkatabi kami ngayon.
Tumitingin lang kami sa waves. Tinatry kong kumalma. Oo, masakit yung sugat pero tinitiis ko na lang...
Lord, sana makaalis kami sa island na to.
Lumingon ako kay Jasmine..
"Oh, bat ka umiiyak?" Tanong ko.
"Kasi.." Tinignan ko lang siya. Gusto ko na siya yakapin o itap yung shoulder niya pero parang na paralyzed ako.
"Kasi pano kung totoo yung sinabi ni Cav? Na di na tayo makakalis dito?"
"Di ko alam..." Yun lang nasagot ko..
"Pano na pamilya ko? Kaibigan ko? Pano na..." Di ako magaling magpatahan ng babae. Pano na to.
"Uhm..." Dumikit pa ko sa kanya.
"Tiwala lang..."inakbayan ko siya at nilean niya yung ulo niya sa shoulders ko.
"Mahahanap din tayo at makakaalis din tayo dito.."
Tumahimik lang siya.
"Tahan na.." Pinapat ko likod niya.
Matagal kaming nasa posisyon na yun..
Maya maya narinig na namin yung tunog ng nga dahon.. Pabalik na sila Owy.
Tumayo si Jasmine at lumipat sa may sand.
Cav's POV (Chicser)
Nakakaasar pa rin talaga! Kung di lang dahil kay Jasmine, kanina pa ko nagwala.
Sinisipa ko yung mga bato na nakikita ko habang naglalakad ako.
Gusto kong sumigaw!!!
Saan ba ko makakahanap ng pagkain?
Lord, bat nangyari sakin to? Haaays.
Uhaw na akooooo.
Kanina pa ako lakad ng lakad...
"Teka, mangga ba yun?" Nilapitan ko at mangga nga.
Kumuha ako at kumain ng isa.
Inakyat ko yung puno..
"Aray!" Nahulog pa ko.
Inakyat ko ulit kasi kailangan ko madalhan ng prutas sila Jasmine.
Naiinis ako pero mahal ko pa rin naman mga kaibigan ko.
One for all, all for one pa rin.
After kong kumuha ng mangga bumalik agad ako dun kela Ver.
Binilisan ko yung paglakad kasi may narinig ako na unusual na tunog. Kahit masakit yung braso ko sa pagkakahulog, binaliwala ko lang yun basta makarating lang kaagad sa pupuntahan ko.
Medyo kumalma naman ako nung nakita ko na silang lahat na nakaupo sa may sand.
Binigay ko sa kanila yung mangga. Breakfast at lunch na namin yun. Wala ng bunga yung mangga kaya kinakabahan ako sa susunob na kakainin namin.
Nagpahinga kami after kumain at medyo lumamig na yung ulo ko kahit mainit pa rin yung sikat ng araw.
Matutulog kami kasi wala pa talaga kaming maayos na tulog dahil sa mga pangyayari
Pano kung wala kaming mahanap na matutulugan mamayang gabi? Walang ilaw dito pag gabi baka may umatake samin.. Sobrang daming worries yung pumapasok sa isipin ko pero dahil sa sobrang pagod ay nakatulog din naman ako.