Jasmine's POV
Nagkita kita na ulit kami. Lahat may importanteng nadala.
Ngayon, magseset na kami.
"May good at bad news kami. Ano gusto niyong unahin?" Tanong ni Oliver.
"Good news." Sagot ni Ully.
"Nakadala kami ng buko. May iinomin na tayo. Ito oh" Masayang bungad ni Ranz.
"Ano yung bad news?" Tanong ni Biboy.
"Ang problema, wala tayong pangbukas." Dagdag ni Oliver.
"Ilapag niyo muna lahat ng mga dala niya para mabuksan na natin to." Sabi ko.
Tinry namin lahat ng kaya naming gawin.
Inumpog namin sa puno. Tinusok namin ng bato. Tinapon namin sa malalaking bato. Hindi talaga nabuksan. Tibay din ng buko na ito ee.
"Omg. Yung baaaag ko. Wait, saan na ba yun?"
"Nilagay ko dito. Eto oh." Sabi ni Biboy.
"May puller ako dito, baka makatulong." Binigay ko kay Ully.
Wala naman kami masyadong pinagusapan ni Cav nung naghanap kami ng mga magagamit sa tutulugan namin.
Tinusok na ni Ully at may punit na so madali na lang to.
"Sino unang iinom?" Tinaas ni Ully yung shell.
"Si queen goddess." Sabi ni Oliver. Awww. Wala na naman kami sa yacht pero yun pa rin tawag niya.
"Eto oh." Uminom na ako. Ahhhh. Refreshing.
"Lima lang nakuha namin." Sabi ni Ranz.
"Share share na lang tayo ah. Gagamitin natin yung shell para sa mga pagkain natin." Sabi ni Owy.
"After nyong inumin yan, tulungan niyo ako maglinis dito para malagay na natin yung gamit." Sabi ko at nagsimula na akong maglinis.
After kong malinis yung sahig, natapos na rin nilang magligpit yung mga buko. Pwedeng pansunog yung balat ng buko kaya nilagay lang nila sa gilid.
"Tara gameeee."
So ayun umabot kami ng hapon sa paggawa ng matutulugan namin.
Lumabas kaming lahat at tinignan yung ginawa naming matutulugan.
Nagkatinginan kaming lahat.
"Niceeeee." Sabay naming sabi at napangiti.
"Buksan natin yung buko at baka pwede nating kainis yung laman na puti." Sabi ko. Nakakagutom din kasi talagang mag-ayos.
Inumpog ni Ranz sa bato at nagcrack ito. Inumpog niya pa uli at bumukas na talaga ito.
"Eto na magiging dinner natin. Tara pray muna." Sabi ni Owy.
Siya naglead ng prayer. May something pa rin na hindi mawawala sa kanya, faith kay God. Hay buhay, bakit sobrang...
Kinamay na lang namin at nagshare kami sa pagkain.
"Thank God hindi pa tayo mamatay ngayon at nakasurvive tayo." Sabi ni Cav.
"Hindi man sobrang nakakabusog pero at least tama lang para mabuhay pa tayo." Sabi ni Biboy.
"Basta satin, think positive lang. Okay?" Sabi ko.
"Okay" sabay sabay nilang sabi.
Gabi na nga pala.. Siguro mga 8 na..
Inaamin ko na nilalamigan ako pero tinitiis ko lang.
Good thing ngayon, di na kami matutulog ng giniginaw.
"Tulog na tayo." Pag-aya ko sa kanila.
"Una ka na queen." Sabi ni Ranz.
Tama nga si Owy. May gusto sakin si Ranz at Oliver.
Hindi man nila sinasabi, nararamdaman ko na rin..
"Mauuna na ako boys ah? Kayo na bahala diyan." Pumasok na ako sa maliit naming tirahan. Nakacover yung tatlong side ng maraming layer ng dahon. Yung isa bukas na bukas pa.
"Sge good night." Sabi ni Oliver.
"Sweet dreams." Sabi ni ni Ranz.
"Magsabi ka lang kung may kailangan ka." Sabi ni Cav.
"Sleepwell, jassy." Dagdag ni Biboy.
"Sana makatulog ka na ng maayos dyan." Dagdag rin ni Ully.
Tumahimik ang paligid.
"Wala ka bang sasabihin, Owy?" Tanong ni Ully.
"Huh?" Ouch..
"Binati naming lahat si Jasmine. Ikaw lang hindi bumati." Sagot ni Biboy.
"De okay lang boys. Good night sa inyo." Sabi ko at tumalikod na.
"Ay sorry. May iniisip lang. Good night Jasmine." I was hoping na iba itatawag niya sakin. Jasmine na lang talaga... Wala na talaga.
Humiga na ako at tumulo na naman yung walang hiyang luha ko.
Tinignan ko yung star na sinabi ni Owy hanggang sa nakatulog na lang ako.