Chapter Twelve

264 16 5
                                    

Ranz's POV (Chicser)

Nagising ako na palubog na yung araw.

Tumingin ako sa paligid ko at wala na yung chicser boys. Ako, si Cav at si Jasmine na lang yung natira.

Teka, pano na si Oliver? Diba may sugat pa siya.. Haaay matigas talaga ulo nun.

"Jassy? Cav?" Tinatry ko silang gisingin.

Maya maya umupo na si Jasmine.

"Araaay." Sigaw ni Cav.

"Anong nangyari sayo?" Nilapitan kaagad ni Jasmine si Cav.

"Nahulog kasi ako sa puno nung kinukuha ko yung mangga."

"Nako di ko alam yung gagawin ko dyan." Sagot ni Jasmine.

"Kaya pa ba pare?" Tanong ko.

"Oo. Kaya ko to. Di naman masyado malala to." Sagot ni Cav.

"Patingin nga." Sabi ni Jasmine.

Tinaas ni Cav yung sleeves.

"Nakooo." Napacover si Jasmine ng mata niya.

"Ang laki ng pasa." Sabi ko.

"Siguro ang mabuti ay di ka muna tumulong sa paggawa ng matutulugan natin." Payo ni Jasmine.

"Di pwede. Mas mapapabilis kapag tumulong ako."

"No pare. Tama si Jassy. Teka, asan na ba sila?" Tanong ko.

"Ahh nagpaalam si Owy sakin kanina na mauuna na daw sila sa paghahanap ng matutulugan natin. Mukhang pagod pa kayo kaya di na nila kayo ginising." Pageexplain ni Jasmine.

"Si Oliver?" Tanong ni Cav.

"Sumama na. Pinayagan ko kasi para makahanap sila ng gamot sa gubat."

"Tara hanapin natin sila." Tumayo na kaming tatlo.

"Wala kaming mahanap na safe na matutulugan." Naglakad papalapit samin si Owy.

"Pano na yan? Padilim na." Tanong ni Jasmine.

"Wala na tayo magagawa." Sagot ni Ully.

"Gutom na ako." Sabi ni Oliver.

"Ako rin.." Dagdag ni Owy.

"Marunong ba kayo gumawa ng apoy?" Tanong ni Jasmine.

"Dancer kami so wala talaga kaming alam diyan." Sagot ko.

"Pano na lang ako? Model? Hahaha" sabi ni Jasmine at tumawa kaming lahat.

"Gumawa na lang tayo ng matutulugan dito. Di naman siguro aabot dito yung tubig.." Sabi ni Cav.

"Oo nga tara bilis." Sabi ni Biboy.

"Kumuha kayo ng malalaking dahon, balik kayo agad." Command ni Jasmine.

"Kami na gagawa ng boundary para di makaabot yung tubig." Nagaction si Ully at Jasmine

"Oliver maiwan ka na dito at kayo magayos ni Cav kasi injured kayong dalawa." Sabi ko.

"Anong nangyari kay Cav?" Tanong ni Oliver.

"May pasa siya sa braso." Sagot ni Jasmine.

"Eto na yung dahon. Kukuha pa ba kami?" Marami ng dala si Owy at Biboy.

"Tama na yan. Kami na magaayos." Sabi ni Cav.

"Sakto padilim na, okay na ba kayo?" Tanong ni Jasmine.

"Okay na kami jassy." Sagot ko.

"Gutom ka ba jassy?" Epal na naman si Oliver tsk.

"Okay lang ako." Sagot ni Jasmine

"Jassy, dito ka oh. Sa gitna ka na lang namin para safe." Sabi ko.

"Ayan na, dahan dahan ng dumidilim" sabi ni Biboy.

"Habang naghahanap kami kanina ng matutulugan wala kaming mahanap na pwedeng makain." Sabi ni Owy.

"Wag na natin pagusapan yung pagkain. Magugutom lang tayo ee." Sabi ni Ully.

"Sayaw na lang kayo." Sabi ni Jasmine.

"Sure." Game naman ako at tumayo kami kaagad.

"Kanta ka Jasmine.." Sabi ni Owy.

"Di ako marunong kumanta." Sagot ni Jasmine.

"Ay nako. Wag mo kong lokohin." Pano niya nalaman?

"Pano mo nalaman?" Tanong ni Oliver kay Owy.

"Ah... Narinig niya ako nung nagbreak sa photoshoot sa hongkong." Pagmamadaling sagot ni Jasmine.

"Oo. Tama. Yun." Dagdag ni Owy.

Kumanta na si Jasmine at sumayaw na kami. Binigay ko talaga lahat ng effort ko pero I made sure na di mauubos yung energy ko.

"Galing niyo sumayaw. Tama talaga yung mga boss sa pagpili sa inyo." Sabi ni Jasmine.

"No. Mas tama yung pagpili nila sayo as queen goddess." Hay nagpapaimpress na naman si Oliver.

"Look at the bright side, nastuck tayo dito sa island pero atleast magkakasama tayo." Sabi ko.

"Tumigil ka nga Ranz. Wala ng pag-asa na makakaalis tayo sa island na ito. Bukas na bukas, gumawa na tayo ng matutulugan. Yung iba, humanap ng pagkain. Yung iba, sa tubig." Di ko magets tong si Cav.

"Ano ba problema mo pare ha?" Naitulak ko yung braso niya kaya kumirot ito.

"Please wag na kayong mag-away." Sabi ni Jasmine na mukhang iiyak na.

"Eto kasi ee. Bad vibes lagi." Pagpapaliwanag ko.

"Sorry haaa. May pa look at the bright side ka pa kasi. Tss."

"Titigil niyo yan o aalis ako?" Nako mukhang nagalit na si Jasmine.

"Titigil na yan sila." Sabi ni Oliver. Bida bida na naman.

"Gusto mong maglakad muna Jassy?" Tanong ni Ully.

"Ako na sasama. Tara Jasmine." Sabi ni Owy at inalalayan si Jasmine.

Stuck Sayo - ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon