Owy's POV (Chicser)
Sana tama yung ginawa ko..
Nung tumahan na si Jasmine, pumunta na kami pabalik.
"Anong nangyari?" Tanong ni Kuya.
"Hayaan na muna natin siya. Matulog na rin tayo." Sagot ko.
Pumikit na ako..
Hindi ako makatulog kasi parang ngayon pa lang nagsisink in sakin lahat ng nangyari.
One thing is for sure, kahit mastuck pa kami dito habang buhay.. Si Jenelle pa rin nagmamay-ari ng puso ko. Siya pa rin ang bibigyan ko ng singsing na ito. Alam kong ganun rin siya saakin. Nasa akin na yung susi ng puso niya ee, akin lang...
Nagpray ako at nakatulog na rin ako..
Kinabukasan
Biboy's POV (Chicser)
"Ngayon damang dama ko na yung gutom." Sabi ni Ully.
Gising na nga pala kaming lahat. Gulat nga ako kasi namamaga yung mata ni Jasmine. Di ko alam ano ginawa ni Owy pero sinabihan na kami ni Owy na hayaan na lang at okay na raw si Jasmine...
"Bilisan na natin paghahanap ng pagkain." Naglalakad na kasi kami sa loob ng gubat.
"Eto kaya?" Tanong ni Cav.
"Ano nga tawag dyan?" Tanong ko.
"Di na importante yung pangalan basta may makain." Sagot ni Ranz.
"Pwede ba talagang kainin yan?" Tanong ni Jasmine.
"Uso to samin ee. Nakalimutan ko lang yung pangalan hirap kasi bigkasin nun." Sabi ko.
"Eto Jassy oh, kinunan na kita." Binigay ni Ranz yung prutas na yun.
"Salamat." Ngumiti siya kay Ranz pero nung nagkatinginan sila ni Owy, poker face na.
May alam ba sila na hindi ko alam?
Bahala na nga, gutom lang to.
"More than twelve hours din tayong di nakakain. Wew. Yung lips ni Jasmine sobrang pale na." Sabi ni Oliver.
"Its okay. Okay lang ako.."
"Made dehydrate na akoooo. May buko ba dito?" Tanong ni Ully.
Tinignan namin yung paligid.. Wala.
"Nevermind. Tara gawa na tayo na matutulugan."
"Gawa or hanap?" Tanong ni Cav.
"Dun kaya oh, medyo malapit lang sa dagat at dito rin yung sunrise." Yup, nasa kabilang side na kami ng island.
Kala ko malapit lang yung tinuro ni Owy, malayo pa at ang tagal namin kasi kulang pa yung nakain namin. Di pa kasi nagbungga yung prutas.
"Okay na ba dito?" Tanong ni Jasmine.
"Pwede na.." Sabay na sagot ni Oliver at Ranz.
"So maghahanap na tayo ng mga gagamitin sa tutulugan natin.." Sabi ni Cav.
"Sama ako sayo." Sabi ni Jasmine at lumapit siya kay Cav.
"Ako rin." Sabi ni Oliver.
"Sama rin ako." Dagdag ni Ranz.
"Hindi tayo pwedeng magkasabay sabay kasi matatagalan tayo basta dito meet up. Tara na Jassy." Sabi ni Cav at naglakad na sila sa may dalampasigan ni Jassy.
"Kami na lang ni Biboy kukuha ng mga bato." Sabi ni Oliver.
"Pare, yung paa mo. Hindi pa magaling yan. Yung magaan lang natrabaho yung sayo." Sabi ko.
"Kaya ko naman."
"Kuya tama si Biboy." Pagagree ni Owy.
"Fine. Sayo na lang ako sasama Ully."
"Kami na maghahanap ng kahoy ni Owy tas tutulungan namin si biboy maghakot ng bato." Sagot ni Ully.
"Sama na lang ako sa inyo please." Pagpipilit ni Oliver.
"Pano na ako?" Tanong ni Ranz.
"Maghanap na lang kayo ni Ranz ng tubig." Suggestion ko.
Oliver's POV (Chicser)
Asar. Halata namang ayaw ko makasama si Ranz diba?
No choice. Tahimik lang kaming naghahanap ni Ranz ng tubig. Kapag nakakakita kami ng mga magagamit, pinupulot namin.
"Talaga bang gusto mo si Jasmine?" Tanong niya.
"Oo naman. Unang kita ko pa lang sa kanya."
"Ako din."
"Di ko kayang magparaya, not this time." Prangkahan gusto niya ee.
"Baka paiyakin mo lang siya tulad ng ibang mga ex mo." Porket madaming ex ganun din mangyayari sa susunod? Hindi lang talaga nagwork dati ee.
Totoo naman na marami na ako napaiyak pero ganon talaga ang life. Nagsorry naman ako sa kanila.
3 months na rin akong walang girlfriend.
Ngayon na nga lang ako ulit nagkagusto, may kokontra pa.
"Hindi ba pwedeng magbago? Gagawin ko yun para kay Jasmine." Sagot ko.
"Mas mamahalin ko siya." Sabi ni Ranz habang nagpupulot ng dried na vines pangtalk.
Kaya ko ibigay lahat kay Jasmine.
"Pare naman. Ayoko na mag-away tayo para lang sa babae."
"Edi paubaya mo na sakin para walang away."
"Aba gago. Hindi pwede yun."
"Bet ba gusto mo?" Tanong niya. Magkaharap na kami.
"Cliche na pare. May the best man win!" Niraise ko yung kamay ko for his agreement.
"Deal" handa na akong gawin ang lahat para mapasaakin siya.
"Walang daya. Walang epal. Walang pabida. Si Jasmine pipili." Nagnod lang ako.